Michelle Vito supports best friend Jon Lucas's decision to admit being a father

IMAGE Noel Orsal

Michelle Vito on finding out about Jon Lucas being a dad: "Noong nalaman ko, ayaw pa niya talagang ikuwento, pero alam niya na alam ko. Sinabi niya, 'Alam ko narinig mo na, ganyan-ganyan.' So, sinabi ko lang na, 'Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako.' Noong time na ready na po siyang ikuwento sa akin, nakinig lang po ako sa kanya."


Naging supportive na kaibigan daw si Michelle Vito sa mga pinagdaanang kalungkutan at kontrobersiya, lalo na last year, ng kanyang best friend at leading man sa pelikulang Dito Lang Ako na si Jon Lucas.

Una na ang matinding kalungkutan at pagluluksa ni Jon nang namatay ang ina nito dahil sa heart attack noong September 22, 2017.

“Yung sa mommy niya, ako kasi, malapit talaga ako kay Tita talaga.

"So, nung malaman ko iyon, iyak talaga ako nang iyak.

"Kahit noong pumunta ako ng wake, mas iyak ako nang iyak kaysa kay Jon.

"So, ako, lagi ko siyang tini-text na, 'Nandito lang ako, nandito lang kami nina Mommy, nandito lang kami kung kailangan mo kami,' since malapit nga po siya sa amin talaga. 'Nandito lang ako kung kailangan mo ng makakausap.'

"Kasi po noong ginagawa namin yung movie, itong Dito Lang Ako, iyon yung time na nangyari yun [pagkamatay ng mommy ni Jon].

"So, magkakasama po kami noong nangyari po iyon,” salaysay ni Michelle.


THE RUMOR. Nasundan pa nga ito ng kontrobersiya tungkol sa nakabuntis si Jon at nawala pa bilang miyembro ng Hashtags, ang male sing-and-dance group ng It’s Showtime.

Noong una ay nagdadalawang-isip pang magsalita si Michelle dahil gusto raw niyang si Jon mismo ang magsalita tungkol sa mga isyung ito.

“Ayokong magsalita,” sambit niya noong una.

Hanggang sa sinabi na rin niyang sinuportahan niya si Jon.

“Iyon nga po, sa tuwing may mangyayari kay Jon, once may narinig ako tungkol sa kanya, lagi ko siyang tine-text agad, ‘Oy, kumusta? Balita ko ganito, ganyan… Pag kailangan mo ng kausap nandito lang ako.’

"And then, mag-uusap kami. Ikukuwento niya siya sa akin.

"O minsan kung hindi pa siya kumportableng ikuwento o i-share yung nangyari sa kanya, tatahimik muna siya.

"'Tapos pag nagkita kami ulit, ikukuwento na niya sa aking yung mga nangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin si Michelle kung nag-confide nga si Jon sa kanya about sa controversy, tango lang ang isinagot niya.

Ano ang ibinigay niyang advice sa kaibigan?

“Hindi ako nagsabi sa kanya about sa isyu na iyon. Nakinig lang ako.

"Kasi parang ayaw pa niyang ikuwento noong una.

"Noong nalaman ko, ayaw pa niya talagang ikuwento, pero alam niya na alam ko.

"Sinabi niya, ‘Alam ko narinig mo na, ganyan-ganyan.’

"So, sinabi ko lang na, ‘Kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako.’

"Noong time na ready na po siyang ikuwento sa akin, nakinig lang po ako sa kanya."

Happy lang si Michelle nang malaman niyang finally ay umamin na si Jon sa interviews nito sa presscon na nag-asawa na ito at mayroon nang 8-month old baby. Pati ang isyu sa Hashtags at It’s Showtime ay nilinaw rin nito.

“He deserves to be happy,” ang simpleng pahayag lang ni Michelle.


Stories We Are Tracking

Jon Lucas admits he's now a father and a married man
Jon Lucas admits he's now a father and a married man
Jon Lucas ready to face the consequences after revelation
Jon Lucas ready to face the consequences after revelation

Na-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Michelle sa presscon ng Dito Lang Ako na ginanap sa Peri Peri Charcoal Chicken restaurant sa Trinoma kahapon ng tanghali, July 20.

Nakasama ni Michelle sa presscon si Jon at ang iba pang cast na sina Akihiro Blanco at Ms. Boots Anson-Rodrigo. Dumalo rin ang producer na si Robertson Sy Tan ng Blade Entertainment.

Showing ang pelikula sa August 8.

JONCHELLE. Limang taon nang magkaibigan sina Michelle at Jon na nagsimula pa noong i-launch sila ng Star Magic kabilang sa Star Circle 2013.

Kaya naman masaya si Michelle na si Jon ang naging leading man niya, along with Akihiro sa Dito Lang Ako.


Dito rin nabuo ang love team nilang JonChelle.

Ayon kay Michelle, “Masaya ako na si Jon yung naka-partner ko.

"Ako kasi, sanay ako sa role na kapatid ako, kaibigan ako o kaya mean girl ako. Hindi ako sanay na may ka-love team talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang bihira pong mangyari sa akin na naka-focus sa love team yung kuwento.

"Ngayon po kasi dito sa movie, naka-focus talaga sa amin.

"Si Jon kasi, since magkaibigan kami, walang awkwardness sa aming dalawa.

"At saka hindi kami yung friends na friends lang. Kami kasi, close talaga kami.

"So, kahit magkulitan kami, kahit ipagdikit yung mga mukha namin, okay lang po.”

Kahit may sweet moments daw sila sa movie ay hindi raw sila naiilang sa isa’t isa.

Pati rin daw si Akihiro ay naging ka-close na nila.

Ginagampanan ni Michelle sa Dito Lang Ako ang role ni Nelia na magiging ka-love triangle nina Delfin (Jon) at Victor (Akihiro).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN