Jake Ejercito condemns Kuwaiti beauty blogger's racist comments about OFWs

IMAGE Twitter

Jake Ejercito slams Kuwaiti social media influencer Sondos Alqattan for calling overseas Filipino workers "slaves."


Isa si Jake Ejercito sa maraming Pilipino na nagalit sa mga binitawang salita ng Kuwaiti celebrity at social media influencer na si Sondos Alqattan laban sa Overseas Filipino Workers (OFWs).

Naging viral ang video ng Kuwaiti national na inireklamo ang bagong batas na nagbibigay ng pribilehiyong one day-off a week sa mga OFWs sa Kuwait, kasama na rin ang pagpapatupad ng kanilang karapatang itago ang kanilang passport.

Tinawag pang “slaves” ni Sondos ang Filipino maids.

Kagaya ng iba pang netizens na kinondena ang mga pahayag ni Sondos, nag-tweet ng kanyang pagkadismaya si Jake.

Matapang na tweet ng anak ni Manila Mayor Joseph Estrada, dapat daw kainin ng Kuwaiti social media influencer ang kanyang make-up para maging maayos din ang kalooban nito.

Kilala rin kasi ang Kuwaiti celebrity sa kanyang make-up tutorial videos.

Dahil sa kanyang mga pahayag, kinondena si Sondos ng Pinoy netizens.

Nag-demand din silang maglabas ito ng public apology at nanawagang i-boycott ito.

Nag-restrict na ng kanyang social media accounts ang Kuwaiti celebrity dahil sa matinding pambabatikos na kanyang natamo dahil sa kanyang racist comments.




ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN