Vice Ganda teases Kim Chiu about past falling out with Maja Salvador

IMAGE @abscbnggv / @chinitaprincess Instagram

Sa gitna ng pangungulit ni Vice Ganda tungkol sa dating sigalot sa pagitan nina Kim Chiu at Maja Salvador, nilinaw ng chinita actress na walang isyu sa pagitan nila ng former Wildlflower star. Sabi pa ni Kim, "Wala naman na talaga. Kasi ang galit nagla-last lang 'yan ng two years."


Hindi nakaligtas si Kim Chiu sa pang-uurirat ni Vice Ganda tungkol sa dating hidwaan ng una at ni Maja Salvador.

Ito ay sa kadahilanang hindi diretsahang masabi ni Kim na kabarkada ang turing niya kay Maja, tulad ng pagiging malapit niya kay Bela Padilla.

Nagkasama kasi sina Kim, Bela, at Maja sa ASAP concert show sa Hawaii kamakailan.

Tanong ni Vice: “Si Maja barkada niyo rin?”

Sagot ni Kim, “Nakasama namin.”

Pang-aalaska ni Vice, “Nakasama niyo lang, pero hindi niyo barkada? Ayaw mo na?”

Sa puntong ito ay napahagalpak na lang ng tawa ang bungisngis na si Kim.

Hirit ulit ni Vice, “O, bigla kang nag-normal, kanina ang ligalig mo. Hahaha!”

Sabi naman ni Kim, “Oy, hindi! Okey na.”

Ang tinutukoy ni Kim ay walang isyu sa pagitan nila ni Maja.

Hindi kaila sa publiko na nagkaroon ng sigalot sa pagitan nina Kim at Maja nang maging karelasyon ng huli si Gerald Anderson noong 2013.

Dating lihim na nagkarelasyon sina Kim at Gerald, na naghiwalay noong April 2010.

Naiulat ang sama ng loob at pagkasira ng tiwala ni Kim kay Maja, na itinuring ng una bilang confidante noong panahong heartbroken siya sa hiwalayan nila ni Gerald.

Ngunit kinalaunan ay nag-initiate si Maja na magkaayos silang dalawa ni Kim.

NOT AS CLOSE AS KIM-BELA FRIENDSHIP. Nakapanayam ni Vice sina Kim at Bela sa episode ng ABS-CBN late-night talk show na Gandang Gabi Vice kagabi, July 22.

Patuloy na pang-uusisa ni Vice kay Kim, “Barkada niyo si Maja ngayon?

“Kasama namin sa team,” sagot ni Kim, na ang tinutukoy ay ang pagiging mag-co-host nila ni Maja sa ASAP show sa Hawaii.

Pangungulit pa rin ni Vice, “So, barkada niyo nga? Ba’t ayaw mo sabihin?”  

Sa puntong ito, sumingit si Bela upang ipahiwatig na hindi kasing-lapit ng pagkakaibigan nila ni Kim ang pagiging magkaibigan ng chinita actress sa former Wildflower star. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Bela, "Hindi. Hindi namin barkada." 

Ngunit pa-safe na giit ni Kim, “puwede naman lahat” maging kabarkada.

Hindi pa rin dito natapos ang pang-aasar ni Vice kay Kim.

Ipinakita ni Vice ang ilang video clips mula sa Instagram Story ni Kim, na nagpapakita ng ilang kuha nito kasama si Maja sa Hawaii.

Isa rito ang kuha kung saan magkatabi sina Kim at Bela sakay ng service bus, habang si Maja ay nasa bandang unahan katabi si Piolo Pascual.

Hirit ni Vice sa distansiya ni Kim kay Maja, “Ay, bakit ang layo niyo sa isa’t isa?”  

Natatawang sagot ni Kim, “Tabi kasi sila ni Papa P!”

Pang-aasar pa rin ni Vice kay Kim, “Parang may irap kang konti dun, Kim.

"Hindi buo ang smile, maliit lang yung smile… Nakita ko yung mga gestures."

Natatawang deny ulit ni Kim, “Oy, sa ibang story na yun.”

OPEN TO BONDING TIME WITH MAJA. Ayon kay Kim, ang totoo ay minsan na niyang inimbita si Maja na maka-bonding dito sa Pilipinas.

Sabi kasi ni Vice, “Si Maja, wini-welcome yung friendship, pero ikaw hindi ka nag-i-invite daw.”

Sagot ni Kim, “Grabe po siya! Huy, nag-invite ako! Pakita ko sa iyo yung text mamaya.”

Kung mabibigyan sila ng pagkakataon, gusto raw ni Kim na maka-bonding si Maja sa bahay nito.

Nagpatutsada naman si Vice na baka gusto lang ni Kim inspeksyunin ang bahay ni Maja kung saan may bakas ng nakaraan noong karelasyon pa ng former Wildflower star si Gerald.

Pakuwelang sabi ni Vice sa posibleng pang-uusisa ni Kim kay Maja, “So, dito yun? Saan dito? Saang sulok ng bahay na ‘to?”

Tawa lang nang tawa si Kim, ngunit sa huli ay nilinaw niyang “super okey” na ang lahat sa pagitan nila ni Maja.

Ani Kim, “Wala naman na talaga. Kasi ang galit nagla-last lang iyan ng two years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Maja at Gerald ay hiwalay na noon pang 2015.

Sa kasalukuyan, si Bea Alonzo ang napapabalitang karelasyon ni Gerald.

Si Kim ay nauugnay naman sa dating perennial leading man niyang si Xian Lim.

Si Maja ay nananataling low-profile pagdating sa usapin ng kanyang love life.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN