KC Concepcion admits dating non-showbiz, foreigner guy

IMAGE @itskcconcepcion on Instagram

KC Concepcion on non-showbiz guy that she's dating now: "Mahal siya ng pamilya ko, and I think nagkakasundo kami ng pamilya niya."


Inamin ni KC Concepcion na inspirado siya ngayon sa isang non-showbiz guy.

Pagbubunyag ng 33-anyos na anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, boto ang kanyang pamilya sa bago niyang idini-date.

Nakakasundo rin daw ni KC ang pamilya ng special someone niya.

“I'm inspired,” pag-amin ng aktres sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News.

Dagdag pa ni KC, “Non-showbiz siya and mahal siya ng pamilya ko, and I think nagkakasundo kami ng pamilya niya.”

Hindi Pinoy ang kanyang idini-date, subalit pusong Pinoy raw ito.

Hindi na nagdagdag ng iba pang detalye si KC.

Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang kumpirmahin ni KC ang paghihiwalay nila ng dating Azkals football player na si Aly Borromeo.

Dalawang taon ang itinagal ng kanilang relasyon.

Dati ring naging boyfriend ni KC ang ABS-CBN actors na sina Piolo Pascual at Paulo Avelino.  


Stories We Are Tracking

Did KC Concepcion and Aly Borromeo break up?
Did KC Concepcion and Aly Borromeo break up?
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion clarifies rumored breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion confirms breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion confirms breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion still friends with ex-boyfriend Aly Borromeo
KC Concepcion still friends with ex-boyfriend Aly Borromeo


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN