John Estrada to pursue libel case against showbiz columnist

IMAGE Noel Orsal

John Estrada on showbiz columnist that he will sue for libel: "Pasasakitin ko talaga ang ulo niya... Pasusukahin ko siya ng pera."


Kontrobersiyal ang paglipat ni John Estrada sa GMA-7.

Bago ito ay naging malaking balita ang diumano’y kumprontasyon nila ng aktres na si Mylene Dizon sa taping ng dating ABS-CBN prime time series na The Good Son.

Bagamat maraming mga lumabas na ulat, walang direktang kumpirmasyon mula sa magkabilang kampo.

Ayon kay John, “Honestly, honestly, to tell you honestly, alam ng GMA yun.

“Honestly, in-offer ako doon sa ABS but... meron akong counter-offer doon.

“Actually, hindi counter-offer. Para sa akin talaga yung project, hindi ko na rin sasabihin kung ano yun. Malaki rin.

“Siyempre, kumuha na sila ng ibang artista.

“Ahh... medyo pangit naman na may... pangit on his part kung sasabihin ko kung ano yun.”

Nilinaw rin ni John na maayos ang pag-alis niya sa bakuran ng ABS-CBN, na naging tahanan niya sa loob ng halos 22 taon.

“But... yes, nagpaalam ako nang maayos sa lahat ng boss ko doon.

“Lalung-lalo na sa ninang kong si Tita Cory Vidanes at saka kay Boss Deo Endrinal.”

Welcome pa rin naman daw si John sa Kapamilya network.

Sa katunayan, Kapuso na siya nang mag-shooting para sa I Love You, Hater ng Star Cinema.

“Hindi ako nagkaproblema sa ABS,” pagdidiin pa ng 45-year-old actor.

“Na ikinasasaya ko naman. Puwede akong magtrabaho sa ABS, puwede ako dito. Sana.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si John sa media conference ng una niyang teleserye bilang Kapuso, ang Victor Magtanggol, na ginanap sa Studio 7 ng GMA Network Center noong Lunes, July 23.

LIBEL COMPLAINT AGAINST VETERAN REPORTER

May masasabi pa ba siya sa naging isyu nila ni Mylene?

“Wala na yun. Wala na yun. Ibinaon ko na sa lupa yun,” kaswal na pahayag ni John.

Tuloy ba ang demanda niya sa veteran showbiz columnist na si Ador Saluta, na nagsulat tungkol sa isyu nila ni Mylene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tuloy ang demanda,” pag-ayon ni John.

Lumutang ang balitang hindi na siya magdedemanda matapos mag-sorry si Ador.

Pero pagkontra ni John, “Hindi naman nag-sorry. Sinong nag-sorry?”

Nag-public apology na si Ador, hindi ba?

Sabi ng aktor, “Wala namang public apology. Nasaan?

“May nakita ba kayo na public apology? Wala akong nakita.

“Wala akong nakita... Kung may nakita man ako, pag-iisipan ko. Pero tuloy!

“Tuloy yun! Nagta-timing lang ako.”

Aniya pa, “Gusto ko, kung sino man ang nagsulat nun, maging kampante muna siya, na iisipin niya, hindi ko itutuloy.

“Pero tuloy. Kung kaibigan niyo siya, sorry, pagsabihan niyo, mali yung ginawa niya.”

Sino ang dapat mamagitan o ano ang dapat gawin ng showbiz columnist para hindi niya ituloy ang kaso?

“Ahh... Hindi ko alam. Hindi ko alam, e.

“Hindi ko naman nakikita yung remorse doon sa taong yun,” sagot ni John.

“Wala pa akong nakikitang remorse.

“Siguro, talaga... kung isusulat niya na mali siya, magso-sorry siya, baka pag-isipan ko talaga.

“Pasasakitin ko talaga ang ulo niya. Sorry.

“Pasusukahin ko siya ng pera.”

Tanong ng kaibigan ni Ador na si Rommel Placente, “Paano kung walang perang isusuka?”

Sagot ni John, “E, ayun na nga. Ayun na nga. Makukulong siya.

“Because libel is a criminal offense. Libel is a criminal offense.

“Kung hindi pa niya alam iyon, e, mag-ano siya, magtanung-tanong siya sa mga... magtanong siya sa abogado.

“Puwede siyang makulong nang six years dun.”


Stories We Are Tracking

John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada strongly denies physically hurting Mylene Dizon
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek
John Estrada gets support from wife Priscilla, friend Derek
McCoy, Elisse clueless about John-Mylene confrontation
McCoy, Elisse clueless about John-Mylene confrontation
Albert unaware of issue between co-stars John and Mylene
Albert unaware of issue between co-stars John and Mylene

RESPECT BEGETS RESPECT

Nang may magsabing 67 years old na ang showbiz columnist.

Saad niya, “Wala namang nagsabi sa kanya na magsulat ng kasinungalingan na ganun, di ba?

“At saka ako, kumbaga.... kung matagal na siya dito sa industriya, hindi na niya ako binigyan ng respeto.

“Thirty years na ako dito sa industriya.

“Maiintindihan ko kung bagu-bago ako. Di ba?

“Kung marami siyang pinagdaanan, baka hindi niya pinagdaanan yung mga pinagdaanan ko dito. Di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam niyo naman lahat yun.

“Nung una ko kayong nakikita, ang gaganda pa natin, ang dami pa nating mga buhok. Di ba?!

“Ngayon, siyempre, dahil ganun talaga ang panahon, tumatanda tayo, pero magkakasama pa rin tayo. Nagmamahalan.

“Bakit mo naman kailangang sirain iyong isang tao, na matagal na sa industriya, na... dyusko naman!”

Dagdag pa ni John, “Sinabi niya na minanyak ko si Mylene, na sinikmuraan ko.

“Na kaya mainit ang ulo ko sa set, kasi maghihiwalay na kami ng asawa ko.

“Iyon ang masakit. Alam mo, kung Mylene, wala akong paki.

“Pero doon sa asawa ko, doon ako pumutok talaga.”

Ang misis ni John ay ang Brazilian beauty queen na si Priscilla Meirelles.

Okey ba sila ni Mylene?

Tugon ni John, “Hindi kami kailangang mag-okey.

“Bakit naman? Di ba? Hindi kami kailangang mag-okey.”

Ano ang dapat gawin ng showbiz columnist para maging okey sila?

“Isulat niya na lahat ng isinulat niya, mali! Tawagan niya ako.

“Lumuhod siya sa harapan ko. Patatawarin ko siya.”

Biro naman sa kanya, baka ibang luhod ang gustong gawin sa kanya ng showbiz columnist?

Napangisi si John na very Loki, “Isusubo ko sa kanya yung Mjolnir ko, p*t*!”

Tilian at tawanan ang mga showbiz reporter na kaharap ni John.

Maigting pang pagbibiro ng aktor, “Isusubo ko sa kanya ang martilyo ko!”

Bumawi si John, “Pero seryoso, kung wala akong makitang remorse... walang public apology, walang sulat...

“Actually, ang ganda ng tanong niyo, kasi, next week na ako magpa-file.”

Nakita at nakausap ng PEP.ph si Ador Saluta sa mediacon ng Kapamilya teleseryeng Halik nitong Hulyo 24, Martes ng hapon, sa 9501 Restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, Quezon City.

Ani Ador, noon pa siya nag-retract, dalawang araw matapos pumutok ang galit ni John.

“Three months na yata yun,” sabi ng showbiz columnist.

Pinangakuan din daw siya ng isang kaibigang showbiz personality na tutulungan siya sa usaping ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN