Sexy actress Nathalie Hart is four months pregnant

IMAGE Noel Orsal

Apat na buwang buntis si Nathalie Hart at ayon sa kanya ay magpapakasal na sila ng kanyang Indian boyfriend sa darating na Disyembre. 


Apat na buwan nang buntis ang sexy actress na si Nathlie Hart.

Inamin ito ng 26-year-old actress sa isang pocket presscon na ginanap ngayong Miyerkules ng hapon, July 25.

Nagulat pa nga ang mga reporter na kaharap ni Nathalie nang bigla niyang sabihing may hinahabol na silang petsa ng kanyang Indian boyfriend para sa kanilang kasal—sa Disyembre ng taong kasalukuyan.

"Mayroon nang laman... four months na ako," sabi ni Nathalie, sabay tingin sa kanyang sinapupunan.

Dagdag pa ng StarStruck alumna, "Lalabas din naman ito. Pero maliit yung tiyan ko for four months.”

Sa dating panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nathalie, sinabi nitong understanding ang nobyo sa kanyang trabaho kung saan kadalasan ay may temang seksi.

Minsan nga raw, dinadala niya ito sa location ng kanyang shooting o taping upang makita ng boyfriend ang nature ng kanyang trabaho.

Saad niya, “So, for me, it's important rin na ipakita ko rin kung anong ginagawa ko, what’s behind the scenes, at saka kung paano ako mag-interact with the people I work with.

“Hindi lang siya parang masasabi na, ‘Okay, kissing scene, may partner ka, gumagawa ka ng pelikula, iba-ibang partner mong lalaki…’

“Hindi naman ibig sabihin nun, pinagpapasa-pasahan ka na or something.

"It’s just that you’re playing a character. He has to understand that that character and you is different."

Si Nathalie ay kabilang sa cast ng ABS-CBN drama series na The Blood Sisters at sa upcoming film na Abay Babes.


Stories We Are Tracking

Nathalie admits very intense relationship with foreigner BF
Nathalie admits very intense relationship with foreigner BF


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN