Nathalie Hart reveals crying after finding out she's pregnant: "I was not ready to get pregnant."

IMAGE Rommel Gonzales

Nathalie Hart reveals using 10 pregnancy kit tests before finally accepting that she's really pregnant. "Kasi parang I cannot believe, parang… tinray ko pa, nakakatuwa, I tried the 100 pesos, the 50 pesos, the 200 pesos, na maybe may problema lang. Naiisip ko, 'Bakit kasi mura itong ginamit ko?'" she says.


First week ng May raw nalaman ni Nathalie Hart na buntis siya.

Apat na buwan na ngayon ang dinadala ng sexy actress.

Paano niya nalamang nagdadalantao siya?

Lahad ni Nathalie, “Nung wala na akong menstruation.

“The first day na na-miss ko yung period ko, I had a pregnancy test right away, and it was positive.

“Bumili ako ng sampung pregnancy tests! Ganun ako kaano.”

Ilan ang nagamit niya sa sampu?

“Lahat! Kasi parang I cannot believe, parang… tinray ko pa, nakakatuwa, I tried the 100 pesos, the 50 pesos, the 200 pesos, na maybe may problema lang.

“Naiisip ko, ‘Bakit kasi mura itong ginamit ko?’”

Nang sa wakas ay naniwala na siyang buntis nga siya, ano ang naramdaman niya at ginawa?

Ayon sa 26-year-old actress, “I cried! Umiyak ako.

“Kasi hindi ako ready… I mean, ready ako kasi ikakasal naman ako ngayong December, pero hindi ako ready na…

“I was not ready to get pregnant kasi ang dami kong ginagawa ngayon.”

Never daw siyang naka-miss ng kanyang monthly period.

Wala ba silang ginawa ng kanyang boyfriend na method para huwag siyang mabuntis?

“Nung time na sinabi ko sa kanya na, siyempre meron kaming time, lovey-dovey and everything, sabi ko, ‘Huy, mabubuntis ako!’

“Sabi niya, ‘It’s okay, we’re getting married anyway, so what’s the point?’

“'Tapos sabi ko, ‘I understand but you have to wait, you have to wait before the final day [the wedding].’

“Sabi niya, ‘There’s no perfect time, if it’s gonna happen, it’s gonna happen.’

“Nag-iingat ako, siya yung hindi nag-iingat!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling reporters si Nathalie sa pocket presscon niya na ginanap sa The Frazzled Cook restaurant, sa Scout Gandia, Quezon City, nitong Miyerkules ng hapon, July 25.


NATHALIE’S FIANCE

Indian ang boyfriend ni Nathalie na si Mayank Sharma mula sa New Delhi, India.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagtatrabaho si Mayank sa real estate business ng kanyang ama sa India.

Twenty-five years old si Mayank, at 26 naman si Nathalie.


First week ng December 2017 sila nagkakilala.

“Birthday pa niya. Na-meet ko siya  sa wedding sa India, kaklase ko.

"Yung kapatid niya, best friend nung ikakasal," pag-alala ng aktres.

Pitong buwan pa lamang ang kanilang relasyon.

Noong oras na nalaman niyang buntis siya ay nasa India raw ang fiancé ni Nathalie.

Mag-isa lang nag-pregnancy test si Nathalie, pero the whole time ay kausap niya sa telepono ang ama ng magiging anak.

Kuwento ng The Blood Sisters actress, “Bumalik siya sa India kasi he’s staying here, kasi meron kaming online shopping na ano…

“So, papunta ako sa doktor [after her pregnancy kit tests], tinatawagan ko siya, kung ano ang ginagawa ko sa doctor…

“Every stage, tinatawagan ko siya.

“’Tapos sabi ko nga, ‘I’m pregnant, what’s gonna happen?’

“Sabi niya, ‘Then we’re having a baby!’

“Parang sa kanya, ‘Then we’re having a baby!’

“Ako naman, wala pa kaming bahay together, my career… ano ba?!

“Siyempre babae kasi mas maraming worries.”

Hinding-hindi raw pumasok sa isip ni Nathalie na huwag ituloy ang kanyang pagbubuntis.

“Never, never pumasok sa isip ko ‘yan.

“I am just very happy  na magkakaroon ako ng baby.

“Although nakakatakot pa rin na ito na ito na ang stage sa buhay ko.

“Hindi lang ako yung iisipin ko ngayon, my future husband, my daughter.”

Sa singkamas at sa pinya raw naglilihi ngayon si Nathalie.

Gusto raw ni Mayank na apat ang kanilang maging anak.

Pareho naman daw tuwang-tuwa at excited ang pamilya ni Nathalie at pamilya ni Mayank sa kanilang nalalapit na kasal at sa kanilang future baby.


Stories We Are Tracking

Nathalie Hart is four months pregnant
Nathalie Hart is four months pregnant

SETTLING DOWN

Saan sila magse-settle down kapag mag-asawa na sila?

“Sa Australia tsaka dito sa Pilipinas,” sagot ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Australia nakabase ang pamilya ni Nathalie.

Ikakasal sa December sina Nathalie at Mayank sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa Australia.

Next year naman, pagkapanganak niya, isang malaking Hindu wedding ang magaganap sa India.

Penelope ang napili nilang ipangalan sa ipinagbubuntis ni Nathalie na baby girl.

Hindi raw tatalikuran ni Nathalie ang kanyang showbiz career; alaga siya ng talent manager na si Leo Dominguez.

May nakalinya sampung pelikula na gagawin si Nathalie.

Kasama na rito ang remake ng horror classic Patayin Sa Sindak Si Barbara, kung saan co-star niya si Mariel de Leon.

Malapit na ring ipalabas ang The Bitch Wedding (Abay Babes) ng Viva Films kung saan kasama ni Nathalie sina Cristine Reyes, Roxanne Barcelo, Meg Imperial, at Kylie Versoza.  

Kapag kasal na siya ay babawasan na raw ni Nathalie ang pagpapaseksi dahil ayaw ni Mayank.

“Not super-sexy, ayaw na niya. Siguro yung parang The Bitch Wedding, yung ganun na lang.”

Hindi na siya puwedeng magpaseksi nnag todo tulad ng ginawa niya sa Sin Island.

Na-shock daw si Mayank nang napanood ang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN