Ronnie Alonte admits misunderstanding with rumored girlfriend Loisa Andalio

IMAGE Loisa Andalio Instagram

Ronnie Alonte admits he and rumored Loisa Andalio hit a rough patch. But the Hashtags member is positive things will be ironed out between them eventually. "Oo naman, kung Diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kaya? Mag-uusap din kami siguro, medyo busy kasi siya sa shooting. Ako, bahay lang naman."


Inamin ni Ronnie Alonte na may pinagdadaanan ang relasyon nila ng ka-love team at rumored girlfriend na si Loisa Andalio.

Ito ay base na rin sa mga Twitter post nilang nagpapahiwatig na mayroon nga silang hindi pagkakaunawaan.

Ngunit tumanggi ang Hashtags member na sabihin kung ano ang dahilan nito.

Pahayag ni Ronnie, "Hindi ko lang alam, siguro sa amin na lang yung dalawa, private. 

"Mayroon lang kaming di pagkakaintindihan, mayroon lang di pagkakaunawaan.

"Pero sana, soon, maayos. Kung kami talaga, kami talaga."

Nag-uusap ba sila ni Loisa sa kabila ng pinagdadaanan nila?

Sagot ni Ronnie, "Nakakapag-usap kaming dalawa, oo, nakakapag-usap kami."

Pero dagdag niya, "Siguro kailangan lang naming mag-relax, maging open muna ang isip namin sa isa't isa bago kami magdesisyon, na kapag nagkita ba kami, mag-uusap kaming dalawa.

"Wala namang problema. "

Pero ano ba ang status ang relasyon nila sa ngayon ni Loisa?

Ayon sa binata, "Kaibigan pa rin...

"Siguro yung ganung mga bagay, nakikita ng mga tao kung ano ang mayroon sa amin, so sila na ang bahalang maghusga.

"Kami, kumikilos lang. Sa ngayon, trabaho muna."

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ronnie sa Team Daniel practice para sa nalalapit na 2018 Star Magic All Star Game.

Ginanap ito sa Tivoli Royale Clubhouse kagabi, July 25.

RONNIE IS HOPEFUL

Sa Twitter at Instagram posts ni Loisa ay sinabi niyang na mahal na mahal niya si Ronnie at nag-iisa lang ito.

Ayon naman sa Hashtags member, mahal din niya si Loisa at masakit sa kanya ang nangyayari sa kanila ngayon.

"Mahal ko rin naman siya, sobra-sobra.

"Kaya nga sobra akong nalungkot nung medyo mayroon kaming di pagkakaintindihan, hindi ako sanay.

"Hindi naman lahat ng relasyon, mayroon bang di nag-aaway? Siguro mayroon lang di pagkakaintindihan.

"Soon, sana, dasal lang kayo."

Positibo naman ang aktor na sa huli ay matatapos din ang lahat at mauuwi din sa pag-aayos ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, kung Diyos nga nakakapagpatawad, ako pa kaya?

"Mag-uusap din kami siguro, medyo busy kasi siya sa shooting.

"Ako, bahay lang naman."

Diin pa ni Ronnie, "Walang may kasalanan na lang, siguro di lang talaga pagkakaintindihan."

Nagpasalamat naman si Ronnie sa fans na nagpaparating sa kanya ng suporta, ngunit nandoon din ang pag-iwas niya sa ilang nanghuhusga at nagbibigay ng mga negatibong komento.

"Ang laki ng pasasalamat ko na pag nag-open ako ng Twitter, kahit medyo ayoko na nga talaga magbukas," ani Ronnie tungkol sa tweets ng kanyang fans at supporters. 

Sa kabilang banda, ipinaliwanag niya kung bakit iwas na siyang buksan ang social media accounts.

"Dagdag stress, imbes na sa amin na lang dalawa yun, ang dami pang dumadagdag.

"So, parang naapektuhan ako lalo kaya ako di ako nagbubukas ng Twitter.

"Mayroon pang one-sided, na nakakakasar talagang mag-comment, pinababayaan ko na lang.

"Hindi na ako nagtu-Twitter ngayon. Sa ngayon wala muna."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN