Chito Roño reveals Vhong Navarro hasn't completely moved on from rape allegations

IMAGE Noel Orsal / Courtesy: Deniece Cornejo on Facebook / File

Chito Roño on dismissal of rape cases filed by model Deniece Cornejo against his talent Vhong Navarro: "Salamat na lang that justice prevailed. Kasi this is no cause for celebration. Ang tagal din naming tiniis yun, e, na tahimik lang kami."


Nakahinga na raw nang maluwag si Vhong Navarro pagkatapos ma-dismiss lahat ng mga kasong isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo noong 2014.

Patung-patong na kasong panggagahasa ang isinampa ni Deniece laban sa It’s Showtime host kung saaan dalawang beses daw siyang ni-rape nito noong January 2014.

Ngunit noong April 2018 ay tuluyan nang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang mga kasong ito laban kay Vhong.


Stories We Are Tracking

DOJ affirms junking of rape cases against Vhong Navarro
DOJ affirms junking of rape cases against Vhong Navarro

Ayon sa manager ni Vhong na si Direk Chito Roño, “Siyempre, masaya kami.

“Although, ever since naman, naniniwala akong walang kaso, talagang ginulo lang siya.

“Kasi kilala ko si Vhong, e, wala naman siyang tendency mangganun, e, na hina-harass siya.

“Kasi, unang-una talaga nun, pinagkakaperahan lang talaga siya.

"Kami, tahimik na lang tayo kasi tapos na ang kaso, ayoko nang mag-ingay.

"Pero siyempre, si Vhong masaya.

“Yun lang, opinyon ko lang yung sinabi ko, hindi opinyon ni Vhong.

“Personal din, alam kong masaya din siya.”

Sa tingin ba niya ay naka-move on na si Vhong sa pangyayari?

Mabilis na tugon ng award-winning director, “Hindi pa rin.

"Takot pa rin siyang lumabas kasi, alam mo naman, kung may anu-ano pa kaming naririnig na [threats].

"Alam naman namin yung mga track record, yung mga nang-ano sa kanya, taga-Samar pa nga yung isa na nambugbog sa kanya, na mga goons talaga.

"So, natakot lang kami."

Sa ngayon, may mga kaso pa raw sila laban naman sa mga nambugbog kay Vhong na hindi pa nareresolba. 

Kabilang sa mga kinasuhan ni Vhong ang negosyanteng si Cedric Lee.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media si Direk Chito sa mediacon ng pelikula niyang Signal Rock ngayong Huwebes ng hapon, July 26.

Ang Signal Rock ay entry ng kanyang CSR Production sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2018 na magsisimula sa August 15 hanggang 21.

NO CAUSE FOR CELEBRATION

Ayon kay Direk Chito, ipinagpasalamat nila ang tuluyang pagka-dismiss ng mga kaso laban kay Vhong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman daw kailangan pang magkaroon ng selebrasyon dahil sa kanilang pagkapanalo.

“Alam mo, nung naging final na ang decision, tahimik na lang kami.

“No, we don’t celebrate such things.

“Salamat na lang that justice prevailed.

"Kasi this is no cause for celebration. Ang tagal din naming tiniis yun, e, na tahimik lang kami.

“Si Vhong pa na napaka-behave, hindi naman nang-aaway yun.

“Wala na kaming ginawa, nagpasalamat na lang kami.”

Aminado si Direk Chito na sobrang hassle ang naidulot ng mga kaso sa kanyang alaga.

“Bilang tatay-tatayan niya, sobra akong naano para sa kanya… you know, it’s not easy.

“Yun pala yung ano, first time kasi naming magkaganun.

"So, yun pala, napaka-disturbing, na you have to prove your innocence, although alam mong inosente ka, di ba?

“'Tsaka the powers that be, di ba?

"Yung una, na-dismiss pa,' tapos nag-change ng administration. Nag-change lahat.

"Ninerbiyos kami kasi maraming malapit sa presidente ngayon na nasa DOJ.

“But we’re lucky that really justice prevailed.

"Parang kung anong linaw ng kaso noon, naging mas malinaw pa ngayon.

"Hindi nila na-corrupt yung sistema.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN