Cedric Lee, Deniece Cornejo found guilty in Vhong Navarro grave coercion case

IMAGE Instagram / Noel Orsal

In a resolution penned by Judge Bernard Pineda Bernal of Taguig City Metropolitan Trial Court, accused Cedric Lee (left) and Deniece Cornejo (center) were found guilty of grave coercion in longstanding legal battle with Kapamilya actor Vhong Navarro (right). 


Nahatulang guilty ang grupo nina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa ng It's Showtime host na si Vhong Navarro.

Kaugnay ito ng insidenteng pambubugbog, paggapos, at pananakot kay Vhong ng grupo nina Cedric at Deniece noong gabi ng January 22, 2014 sa condo unit ng dalaga sa Taguig City.

Ngayong araw, July 27, lumabas ang 50-page resolution ni Judge Bernard Pineda Bernal ng Taguig City Metropolitan Trial Court na naghatol kina Cedric, Deniece, at Jed para sa salang grave coercion.

Acquitted ang nakatatandang kapatid ni Cedric na si Bernice Lee, na kasama rin ng grupo noong gabi ng insidente. 

Dahil sa hatol, maaaring makulong sina Cedric, Deniece, at Jed ng anim na buwan hanggang tatlong taon.

Sabi sa isang bahagi ng resolution, "Wherefore, premises considered, judgment is hereby rendered finding accused DENIECE MILLINETTE CORNEJO, CEDRIC CUA LEE, AND SAJED FERNANDEZ ABUHIJLEH a.k.a. JED FERNANDEZ GUILTY beyond reasonable doubt of the crime of Grave Coercion and, applying the Indeterminate Sentence Law, sentences them to suffer the indeterminate penalty of (6) months arresto mayor as minimum, to (3) years and (6) six months of prision correccional medium as maximum."

Narito ang kopya ng court resolution na pirmado ni Judge Bernal:


Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, ipinaliwanag nito na ang kasong grave coercion ay may kinalaman sa pamimilit ng grupo nina Cedric kay Vhong na pirmahan ang police blotter kung saan nakasaad ang akusasyong attempted rape ng aktor kay Deniece.

Nakasaad din sa parehong police blotter ang sinasabing "citizen arrest" kay Vhong matapos diumanong mahuli ito sa aktong sekswal na inaabuso si Deniece sa loob ng condo unit ng dalaga.

Ayon sa legal counsel ni Vhong, lumabas sa imbestigasyon ng korte ang katotohanang si Vhong ang biktima ng pambubugbog, paggapos, at pananakot ng grupo nina Cedric at Deniece noong gabi ng insidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napatunayan daw sa korte na ginawang “insurance policy” ng grupo nina Cedric at Deniece ang naturang police blotter upang matakasan ang kanilang krimen.

Ayon pa rin kay Atty. Mallonga, ang kliyente niyang si Vhong ay “very happy” nang malaman ang guilty verdict ng korte sa grupo nina Cedric at Deniece para sa kasong grave coercion.

Malaking hakbang daw ito sa minimithi ni Vhong na katarungan mahigit apat na taon mula nang magsampa ito ng kasong serious illegal detention at grave coercion laban sa grupo nina Cedric at Deniece.

Si Vhong ay kasalukuyang nasa U.S. para sa ilang shows doon ng Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Maaari pang iapela ng grupo nina Cedric at Deniece ang hatol ng korte.

Samantala, patuloy pa rin ang pagdinig sa hiwalay na kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong laban kina Cedric, Deniece, Jed, at Berniece.

Noong April 30, tuluyang ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang ikatlong reklamong rape na isinampa ni Deniece laban kay Vhong dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya laban sa aktor.


Stories We Are Tracking

Is Vhong Navarro ready to forgive Cedric Lee and his group?
Is Vhong Navarro ready to forgive Cedric Lee and his group?
DOJ to charge Cedric, Deniece with serious illegal detention
DOJ to charge Cedric, Deniece with serious illegal detention
Vhong, Cedric, Deniece face-off in Taguig court
Vhong, Cedric, Deniece face-off in Taguig court
Vhong Navarro denies attempted rape allegation
Vhong Navarro denies attempted rape allegation


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN