Ahron Villena ends past issue romantically linking him to a male friend

IMAGE @ahronvillena and @krisbst08 on Instagram

Once and for all, Ahron Villena is saying he is not gay: "I know myself. Alam ko kung sino ako at kung ano ang totoo... ang problema lang, may mga taong malisyoso na parang nag-post ako ng ganito, yung isang kaibigan ko nag-post, tapos pinagdidikit nila. Ginagawan na agad ng istorya."


Muling nagsalita si Ahron Villena tungkol sa pagdududa sa kanyang pagkalalaki at pagbibigay malisya sa pagkakaibigan nila ng lalaking nakakasama niya sa pagbibiyahe.

Nangyari ito sa kanyang guest appearance, kasama si Kakai Bautista, sa Tonight With Boy Abunda, nitong July 26.

Deklara ng aktor, “I know myself. Alam ko kung sino ako at kung ano ang totoo, and alam ni Kakai yun.”

Kaugnay ito ng pagbibigay malisya ng ilang netizens sa mga larawang lumabas noong 2017, kung saan pareho ang anggulo at lugar ng mga kuha niya at ng isang non-showbiz guy.

Kuwento ni Ahron kay Boy Abunda, “Kasi may mga out-of-town [trips] akong lumalabas, with a friend… friends po… yun.

“Siguro ang problema lang, Tito Boy, may mga taong malisyoso na parang nag-post ako ng ganito, yung isang kaibigan ko nag-post, 'tapos pinagdidikit nila.

“Ang sabi nga nila, 'Ba’t ganun sa showbiz, ‘no? Parang pag may post ang lalaki, 'tapos ikaw meron din, parang pareho ng anggulo, ginagawan na agad ng storya.'

“Tinanggap ko lang, sabi ko, ‘Sige lang, wala akong magagawa kung iyan na ang tingin nila sa akin.’”

Diretso siyang tinanong ng host kung gay siya.

“No, Tito Boy,” sagot ni Ahron.


Stories We Are Tracking

Who is Ahron Villena's hunky travel companion?
Who is Ahron Villena's hunky travel companion?
Ahron Villena slams speculations linking him to male friend
Ahron Villena slams speculations linking him to male friend

UNINTENTIONAL

Nagpaliwanag din si Ahron na wala siyang intensyiong mahulog ang loob sa kanya ni Kakai.

Mula sa pagiging malapit na magkaibigan, nagkaroon ng away ang dalawa.

Inamin ni Kakai na nahulog ang loob niya kay Ahron, subalit kaibigan lang ang tingin sa kanya ng aktor.

Kuwento ni Ahron, nagsimula ang kanilang magandang pagkakaibigan nang magpunta sila sa Japan.

Nagkasakit si Ahron at inalagaan siya si Kakai.

“Siguro meron talaga akong gestures na mali. Hindi ko alam na para sa kanya pala, baka nagbigay siya ng ibang ibig sabihin.

“Kasi ako ang tipo talagang may times na magte-text ako sa kanya, ‘Asan ka ba?’ Bahay.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Punta ako diyan, pagluto mo naman ako.' Kumbaga, sobrang magkaibigan na kami, e, sobrang at ease na ako.”  

Bida ang dalawa sa upcoming movie na Harry & Patty na ipapalabas sa mga sinehan simula sa August 1. 


Stories We Are Tracking

Kakai Bautista shrugs off negative comments about her
Kakai Bautista shrugs off negative comments about her
Ahron Villena apologizes for
Ahron Villena apologizes for "NEVER naging tayo" statement


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN