Marco Gallo returns to Italy; says goodbye to Star Magic

IMAGE @marcogalloc on Instagram

Marco Gallo leaves the Philippines, and returns to Italy to resume his studies.


Pagkatapos ng dalawang taong pamamalagi sa Pilipinas, tila lilisanin na ng former Pinoy Big Brother housemate na si Marco Gallo ang bansa at ang showbiz.

Ngayong Linggo, July 29, ay nag-post si Marco sa kanyang Instagram stories ng mga mensaheng nagpapaalam sa mga taong nakatrabaho niya sa showbiz.

Isa na rito ang talent arm ng ABS-CBN na Star Magic, kung saan isa si Marco sa contract artists.


Nakipag-dinner rin si Marco sa mga nakatrabaho niya sa Pinoy Big Brother at Star Cinema.

Sabi niya sa kanyang Instagram story, "Will always be thankful, because of you guys, I've grown since the first day u were with me guys. I will never forget you. it's not a goodbye it's a see you soon."




Nag-iwan rin ng mensahe si Marco sa kanyang mga kaibigan at nakasama sa PBB na sina Maymay Entrata at Edward Barber.

Saad niya, "I don't have words on how I feel about leaving you guys and not seeing you almost everyday, but starting from now I'm not gonna be there when u guys [magtatampo] sa isa't isa, so stop being jealous of each other and just love and take care of yourselves. I guess Ill see you soon."


Kahapon, nag-post rin si Marco ng picture niya kasama ang co-star sa pelikulang Familia Blandina na si Xia Vigor at ang kapatid nitong si Liam.

Sa kanyang caption ay tinukoy niya ang pelikula bilang "last job."

Sabi niya, I’m glad that I accepted my last job (familia blandina) cuz if I didn’t I wouldn’t have met this beautiful too, it hurts me not seeing you for a long time, but that’s why they created phones right?

"Thanks FaceTime haha love you babygirl and littlebruh. Take care of your sister and ur mom ah!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong hapon ay lumipad na patungong Italy si Marco.

Sa kanyang Instagram post ay makikitang nasa airport na ang Star Magic artist.

Sabi niya sa kanyang caption, "Paalam Philippines"

Paalam Philippines ????????

A post shared by Marco Gallo (@marcogalloc) on

Ayon sa fans ni Marco, siya ay babalik sa Italy para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagsimula si Marco sa Pinoy Big Brother Lucky 7 noong 2016, kung saan naipareha siya kay Kisses Delavin.

Paglabas niya sa PBB house, ginawa ni Marco ang pelikulang Loving In Tandem at isang season ng Wansapantaym, ang "Amazing Ving."

Naging bahagi rin siya ng ABS-CBN Mobile program na Squad Goals.

Naibalita rin noong huling bahagi ng 2017 ang pagkaka-break ng love team nila ni Kisses.

Pagkatapos nito ay nakagawa pa si Marco ng isang digital series kasama sina Kira Balinger, Donny Pangilinan, Andre Yllana, at Jeremy Glinoga.

Isa rin siya sa mga bida ng pelikulang Familia Blandina kasama si Karla Estrada.

Hindi pa naipapalabas sa kasalukuyan ang dalawang proyekto ni Marco.


Stories We Are Tracking

What caused the breakup of KissMarc love team?
What caused the breakup of KissMarc love team?
Is Marco Gallo ready to go solo after KissMarc breakup?
Is Marco Gallo ready to go solo after KissMarc breakup?
Marco Gallo gets first project after falling out with Kisses
Marco Gallo gets first project after falling out with Kisses


ABOUT THE AUTHOR

Let's talk TV @jimpylosophies on Facebook, Twitter, and Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN