Andrea Torres says bashers are the least of her concerns

IMAGE Noel Orsal

Andrea Torres on her role in Victor Magtanggol: "Wala naman pong love angle."


Sa nakaraang grand presscon ng bagong GMA prime-time series na Victor Magtanggol, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, July 30, walang malinaw na ipinakilalang leading lady o magiging love interest ng karakter ni Alden Richards sa serye.

Ang mga Kapuso na sina Andrea Torres at Janine Gutierrez ang lumalabas na makakapareha ni Alden.

Pero nang tanungin namin si Andrea kung isa siya sa mga leading lady, ibang klase raw ang tandem nila rito ni Alden.

"Partner siguro in a way dahil tinutulungan ko nga siya, gina-guide ko siya."

Wala silang love angle?

“Wala naman pong love angle,” saad niya.

Biniro namin si Andrea kung relieved ba siya na wala silang love angle ni Alden. Simula kasi noong naging kalahati si Alden ng AlDub, ang love team nila ni Maine Mendoza, ay naba-bash ang mga aktres na nali-link o naipapareha sa Pambansang Bae.

"Hindi naman relieved, parang ano lang, parang sinusundan ko lang ang script," natawang sabi niya. "Hindi ko naman siya iniisip. Hindi ko naman siya pinoproblema."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Andrea sa grand presscon ng Victor Magtanggol noong July 22, sa Studio 6, GMA Annex Building.

Hindi maikakaila na nagkaroon siya ng mga bashers noong ginawa niya ang Alyas Robinhood.

Takot na ba siyang maulit yun?

"Ay hindi, I don’t let it affect my work. At saka ayoko namang sabihing ayoko nang gawin ito kasi, meron na akong limitation. Basta kung may work na ibigay, kukunin ko yun. Ang hirap maging artista."

Dugtong pa ni Andrea, "Ang hirap ng mga pinagdaanan ko para mapagkatiwalaan ako ng mga roles.

"Wala ako sa posisyon para gawin ko yun. At saka, feeling ko, hindi yata ako makakatulog sa gabi kapag ginawa ko yun, di ba? Trabaho na ang lumalapit sa iyo, aayawan mo pa. Blessing yun."

Nasa mundo ng gods and goddesses si Andrea bilang si Sif, ang huling asawa ni Thor. Siya rin ang magbibigay sa main character na si Victor Magtanggol ng kapangyarihan ni Thor, at magtuturo kay Victor kung paano niya gagamitin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inspired ng Norse mythology ang Victor Magtanggol, pero iba raw ang interpretasyon nito sa Thor ng Marvel.

"Iba naman po ito at ang explanation talaga, puwede naman siyang—example yung Alyas Robinhood, puwede mong kunin yung Robinhood at ito naman, puwede mong kunin yung Thor.”

CHANGE IN IMAGE?

Tipong sa fantaserye siya nalilinya ngayon dahil bago nito, magkasunod na part 1 at part 2 ng Alyas Robinhood ang ginawa niya.

"Masaya po ako kasi, dati nag-fantaserye ako pero parang patikim pa lang, ang Ang Lihim ni Annasandra. Ito yung talagang na-try kong mag-costume, mag-wig, yung may power ka.

"Na-try ko na ibang journey naman and, at least, action ulit.  E, noong ginawa ko yung last soap, do’n ko na-realize na gusto ko pala ng action."

Ang isa sa kaibahan ngayon, balot na balot ang costume ni Andrea kumpara sa mga sexy na sinuot niya sa Alyas Robinhood.

Ni-request ba niya ito?

"Hindi naman po, yun lang talaga ang nasa story at yun lang talaga ang role. So natuwa naman ako, at least, ibang-iba talaga dun sa Venus ko na seductive, medyo naughty. Ito, pambata naman."

Hindi kaya hanapin sa kanya ng mga manonood yung sexy image niya?

"If ever man na hanapin, meron naman pong ibang pagkakataon na gawin siya. For now, happy ako na at least, yung GMA naiisipan nila na iba-ibahin palagi yung role at yung show."

STILL THE SAME ALDEN

Nagkasama na raw sila ni Alden sa ilang shows ng Kapuso network gaya ng My Beloved na 2012 ipinalabas.

Kaya natuwa raw siya nang malamang makakasama niyang muli ang Pambansang Bae.

"Natuwa ako kasi, kahit na matagal ko na siyang hindi nakikita, after ng lahat ng success niya, kung ano siya noong nakatrabaho ko siya noon, ganun pa rin siya ngayon,

"As in, parehong-pareho yung kulit, pagka-makuwento, at saka, hindi siya nagrereklamo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Andrea patungkol kay Alden, "Alam mong pagod siya, pero hindi siya magsisimangot, wala kang maririnig na negative sa kanya, so nakakahawa.

"Kahit 3 a.m. na, haping-happy pa rin kaming lahat. He’s a good leader talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN