Jericho Rosales waves off chatter he is getting projects intended for John Lloyd Cruz

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales on John Lloyd Cruz: "It's clear that our friend John Lloyd is taking a break, and when he comes back, I'm sure hes gonna pick the best project."


Sa pamamahinga ni John Lloyd Cruz sa show business, marami ang nakapansing ang magagandang endorsements at projects sa ABS-CBN ay nahahati na kina Piolo Pascual at Jericho Rosales.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jericho tungkol dito.

Ngunit hindi niya masyadong pinansin ang mga sinasabing dumarating na biyaya sa kanyang career, at sa halip ay nag-focus ito sa pagbabalik ni John Lloyd.

Positibo si Jericho na isa sa mga araw na ito ay babalik din si John Lloyd.

“I’m sad for certain things, but I can’t speak for John Lloyd... I can only speak for myself.

"John Lloyd is a great person, a great talent and I know na darating siya, babalik siya, and alam ko na maraming tao ang naghihintay sa kanya.

"Isa ako sa mga tao na nag-aabang na magba-bounce back o kung anuman."

Prangkang sagot pa ni Jericho, na kilala rin bilang Echo, sa tanong na may halong banggit kay John Lloyd: “I don’t even know what’s happening with John Lloyd, so I cannot really answer. It would be unfair.

"What I know, it’s clear that our friend John Lloyd is taking a break, and when he comes back, I’m sure he's gonna pick the best project.

"It’s going to be easy for him to bounce back.”

Samantala, dumarating ang magagandang proyekto kay Jericho, gaya ng hinihintay na teleserye ng Kapamilya network na Halik. Bida rito si Echo.

Kasama pa rin sa mga magagandang dumarating kay Jericho ay ang pagkakapili sa kanya bilang isa sa 2018 Men Who Matter ng People Asia magazine.

“Pinili nila ako along with respectable gentlemen. Madaming pangalan, nandun yun sa Instagram ko.

"Mainly why they picked me is because of my choices sa career ko, I don't know.

"Di ko nga alam kung bakit nila ako napili."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN