Can Sam Milby fall in love with friend Angelica Panganiban?

IMAGE @iamangelicap on Instagram / Noel Orsal

Sam Milby clarifies that he and Angelica Panganiban are just friends, but he is not closing doors on possible romance in the future.


Nilinaw ni Sam Milby na magkaibigan lang sila ni Angelica Panganiban, pero hindi niya isinasara ang posibilidad na maging higit pa rito ang relasyon nila sa hinaharap.

Dahil parehong single at matagal nang close friends, madalas magtuksuhan ang dalawa na tila mas higit pa sila sa magkaibigan. 

Ipinu-post pa nga ni Angelica sa kanyang social media accounts ang tuksuhan nila ni Sam.

Pero paliwanag ng Fil-Am actor-singer, “We like to joke pag nagkikita kami.

"We like to joke na parang sweet kami, na may something kami, but we’re just friends.

“And puwedeng sabihin that’s the best foundation for a relationship.

"But sa ngayon, we’re not taking in that sense na parang, ‘O, sana baka naman puwede tayo na.’

"I mean, we just enjoy our friendship.

“We like to joke na parang may something kami and we see each other, but that’s it.

“We’re just friends.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sam sa press conference ng upcoming ABS-CBN drama series na Halik, na pinagbibidahan din nina Yen Santos, Yam Concepcion, at Jericho Rosales.

Ginanap ang presscon sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound, Quezon City, noong July 24.

Sa tanong naman kung mas mabuting maging magkaibigan na lang sila ni Angelica, sinabi ng 34-anyos na aktor na hindi niya isinasarado ang sarili sa mga posibilidad.

“Yeah, I mean, di ko masasabi in the future.

"Baka naman, baka magkakaroon ng feelings, I don’t know… but right now, no.

“We’re just friends and we’re enjoying the friendship. That’s it,” sabi ni Sam. 

Ang huling naging boyfriend ni Angelica ay si John Lloyd Cruz at nali-link siya ngayon sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino.

Ang huling nakarelasyon naman ni Sam ay ang TV host/blogger/model na si Mari Jasmine.


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN