Nakapili na ng host country para sa Miss Universe 2018.
Gaganapin ang prestihiyosong international beauty pageant sa Bangkok, Thailand sa December 16, 2018.
Inanunsiyo ito ng Miss Universe Organization at government of Thailand sa isang press conference na ginanap sa Bangkok ngayong Martes, July 31.
Ang venue ng grand coronation ay sa Impact Arena sa Bangkok, ayon sa Instagram account ng Sash Factor.
Ito ang ikatlong beses na gaganapin ang Miss Universe sa Thailand; una noong 1992 at sumunod noong 2005.
Samantala, nag-post na rin sa Instagram ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray para kumpirmahin ang balita.
Ayon sa Miss Universe Philippines 2018, excited siyang sa balitang bumalik na ang Miss Universe sa Thailand, na itinuturing niyang isa sa kanyang favorite travel destinations.
“Sawasdee Ka Thailand!!! Soooo excited that the rumors are true and that it's finally official!!! @missuniverse to be held in Thailand, December 2018. So excited to go back to one of my favorite travel destinations!!”
