Devon Seron "patiently waiting" for regular show after transfer to GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Devon Seron is waiting for her first regular gig in the Kapuso network, and doesn't regret transferring from ABS-CBN. She previously made a guest appearance in the prime-time serye The One That Got Away. 


Kahit wala pang regular na proyekto sa GMA-7, hindi naman daw nagsisisi si Devon Seron sa paglipat niya sa bakuran ng Kapuso network.

Ayon sa dating ABS-CBN artist, “Hindi naman po, I’m patiently waiting naman po.

"Willing naman po ako maghintay kung anong magandang projects ang dadating sa akin, and opportunities dito sa GMA."

Nag-e-expect ba siya ng maraming shows sa kanyang paglipat?

Tugon ni Devon, “Sa akin naman po, wala naman po akong expectation.

"Gusto ko lang yung support, of course may trabaho, yun lang po hinahangad ko.

“And of course, na mas ma-develop yung talent ko, mailabas ko pa yung ibang talent ko, and ma-showcase ko yun dito sa Kapuso network.

"And I'm patiently waiting naman sa mga projects na darating."

May Kapuso stars daw na nais makatrabaho si Devon.

Aniya, "Actually, marami po. Sila Heart Evangelista, Lovi Poe…

"Lagi ko itong sinasabi na gusto ko talagang makasama sa show sina Jennylyn Mercado at Marian Rivera. 

"At kung may chance, sana makatrabaho ko sila."

Dagdag pa ni Devon, “Of course, I wanna work with Kiko Estrada kasi hindi ko pa siya naka-work dito sa GMA, bale sa pelikula lang.

"Hopefully mabigyan kami ng chance na makapagtrabaho."

Nagsama sina Kiko at Devon sa 2018 movie ng Regal Films na Walwal.

Okey lang ba sa kanyang mabigyan ng kontrabida roles?

"Yes po, for a change," sagot ng dating Pinoy Big Brother housemate.

"Challenge po sa akin iyan, but of course it depends on the storyline and the character. 

"So, yeah, I’m open naman po sa ganun."

Depende raw sa project kung magpapaka-daring si Devon.

Dito raw niya pag-aaralan kung kailangan ba talaga itong gawin at kung hanggang saan lang ang gagawin niya.

Sa ngayon ay hindi pa raw niya kayang magsuot ng two-piece bikini na tipong pang men's magazine ang dating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Di muna, di ko pa kaya na mala-FHM level. Di pa po talaga."

Paano kung other woman na role?

“Other woman? It depends sa mga scenes, pero mapag-uusapan naman po siya," sagot ni Devon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN