Judy Ann Santos explains Ryan Agoncillo's absence from Eat Bulaga!

IMAGE Instagram / Rose Garcia

Judy Ann Santos has a message for husband Ryan Agoncillo's fans: "He's very okay, he's on his way to recovery."


Maraming netizens ang nagtatanong at nagtataka kung bakit matagal-tagal nang hindi napapanood si Ryan Agoncillo sa daily noontime show ng GMA-7 na Eat Bulaga.

Kahit sa pagdiriwang ng 39th anniversary ng longest-running noontime show nitong Lunes, July 30, ay wala ang TV host.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang misis ni Ryan na si Judy Ann Santos sa grand opening ng pag-aaring restaurant ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas, ang Estela, sa Brickroad, Cainta, Rizal, kahapon, July 31. 

Dito ay binigyang-linaw ng Kapamilya actress-TV host kung bakit hindi napapanood ngayon ang kanyang mister sa Eat Bulaga.

Aniya, “The truth is, kailangan niya talagang mag-focus, magbigay ng proper attention sa therapy niya, kasi mabagal ang healing.

“E, yung time ng therapy na ibinigay sa kanya ng doctor, yun din ang time niya sa Bulaga.” 

Kung matatandaan, nawala rin si Ryan sa Eat Bulaga! late last year dahil sa naging operasyon nito sa tuhod pagkatapos maaksidente sa kanyang motorcycle training.

Ayon pa kay Juday (palayaw ni Judy Ann), “He works out at least twice a day, dalawang oras na work out, dalawang oras na therapy.” 

Noong tsinek daw kasi ng surgeon ang ginawang operasyon sa tuhod ni Ryan, nakitang mabagal ang paggaling nito.  

Lahad ni Judy Ann, “Ang nangyari kasi, after ng surgery niya, after a month, bumalik na rin siya agad sa Eat Bulaga.

"So, noong nagpa-check-up siya ulit, nakitang hindi masyadong naghi-heal.

“Kumbaga sa kalendaryo, dapat sa part na ito, magaling na, fully recovered na siya.

"Hindi pa umaabot sa ganung stage, kasi nga hindi niya natutukan ang therapy niya.

“So ngayon, ang advice sa kanya is he really needs to put attention.”

Hindi naman daw tipong ‘baldado’ si Ryan na hindi na nakalalabas ng bahay.

Pero pagdating sa trabaho, hindi muna raw talaga.

Ayon din kay Juday, “Nag-focus muna siya sa family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi for the past seven, nine years niya sa Eat Bulaga, most of the time, hindi niya nakikita ang mga bata. 

“Ngayong nagte-therapy siya, parang he took it as a chance na rin to be able to spend time with the children.”

Malinaw naman daw sa Eat Bulaga! kung bakit wala rito si Ryan ngayon.  

Sabi ng aktres, “May mga bagay naman kasi na hindi na kailangang i-explain dahil, una, hindi naman siya isyu.”

Nata-touch naman daw sila at hinahanap ng ng viewers si Ryan sa noontime show.

“Nakakatuwa naman na nami-miss, nagtatanong sila, concerned sila.

"Hindi naman namin ide-deny ang fact na napapansin siyang wala sa Bulaga, ibig sabihin, nagma-matter yung presence niya, di ba?

“Doon alone, nakakataba ng puso.”

BETTER SAFE THAN SORRY

Hindi pa masagot ni Juday kung kailan eksakto makakabalik si Ryan sa Eat Bulaga.

“Hindi ko masabi, e.

“Pero ang maganda naman sa Bulaga, hindi siya pini-pressure na bumalik.

"Parang, I think, they also want him to recover fully, at saka delikado rin kasi.

“Oras na meron lang chance na matapilok siya, mas lalong hindi siya gagaling. Yun ang sinasabi ng doctor sa kanya.

“So I think it’s better to be safe than sorry, na hanggang sa wala na talagang chance na mag-repair pa ang knee niya.  

"So, okey lang din. Okey lang naman din."

Nagbigay rin ng mensahe si Juday para sa mga nag-aalala dahil hindi napapanood ang mister niya ngayon sa Eat Bulaga.

“Huwag na kayong mag-worry, okay naman po si Ry. He’s very okay, he’s on his way to recovery.

“Sa lahat ng naghahanap at nakaka-miss, thank you, kasi nakakataba ng puso.

"Of course, in behalf of Ryan, malaking bagay sa kanya yun na hinahanap siya, nami-miss siya.

“Even yung mga co-hosts niya sa Bulaga, they were texting, asking if he’s okay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It really means a lot to him kasi, alam mo yun, iba ang pakiramdam yung may genuine family from Eat Bulaga.”

Sabi nga ni Juday, ang Eat Bulaga! raw kasi ay isang pamilya talaga.

“Ako, I always tell him na, 'Napakasuwerte na naging part ka ng Eat Bulaga.'

"Kasi, iyan ang mundo... well, kung may mundo ang showbiz, may sariling mundo ang Bulaga.

“Kung ayaw ka nila, ayaw ka nila. Pero kung mahal ka nila, mahal ka talaga nila.

“At mararamdaman mo naman yun.

"And with the show as epic, as historical as Eat Bulaga, at nandoon ka sa history na yun, I think it’s more than a blessing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN