Vhong Navarro reflects on 2014 condo incident: "Masyado akong naging bilib sa sarili ko."

by Bernie V. Franco
Aug 3, 2018
Vhong Navarro on what he learned from the 2014 condo incident: "Siguro para sa sarili ko, yung masyado akong naging bilib sa sarili ko. Kung ano yung nakikita ko, kung ano ang [gusto] ko, baka puwede kong makuha agad. Siguro hinumble Niya ako ulit."

Pakiramdam daw ni Vhong Navarro ay vindicated siya sa desisyon ng korteng patawan ng guilty verdict sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez.

Kinasuhan ni Vhong ang tatlo ng grave coercion kaugnay ng pambubugbog, paggapos, at pananakot sa kanya ng mga akusado sa condominium unit ni Deniece, sa Taguig City, noong January 22, 2014.

Ang kaso ay kaugnay ng pamimilit ng grupo nina Cedric kay Vhong na pirmahan ang police blotter kung saan nakasaad ang akusasyong attempted rape ng actor-TV host kay Deniece.

Lumabas ang hatol ng korte laban sa tatlo nitong July 27.

STORIES WE ARE TRACKING

Ikinatuwa ni Vhong na pumabor sa kanya ang desisyon ng korte.

Pahayag ng It's Showtime host, “Siyempre kasi pangalan mo yun, e.

"Ilang taon na ako sa industriya, 25 years na ako. Kumbaga, pinaghirapan ko yun.

"Alam ko yun kaya siyempre marami kang isa-sacrifice kung sakaling… eto nga, na mangyayari yun o kung ano man."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vhong sa press conference ng kanyang upcoming movie para sa Regal Entertainment, Inc., ang Unli Life.

Ginanap ang presscon sa 38 Valencia Events Place, Quezon City, nitong Huwebes, August 2.

LESSON LEARNED

Isa raw sa mga natutunang leksiyon ng 41-anyos na komedyante mula sa insidenteng iyon ay manatiling mapagpakumbaba.

"Sa akin kasi, di ba, kailangan mo kasing… siguro dahil tumaas ang lipad [ko]. Kailangan Niya akong bigyan ng leksiyon."

Pero paglilinaw ni Vhong, hindi yabang ang kanyang naramdaman.

“Hindi yabang, e. Hindi ko alam...

"Siguro para sa sarili ko, yung masyado akong naging bilib sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung ano yung nakikita ko, kung ano ang [gusto] ko, baka puwede kong makuha agad.

“Siguro hinumble Niya ako ulit.”

Ito rin daw ang laging idinadasal ni Vhong.

“Kaya nga every time ngayon na nagdadasal ako, sinasabi ko talaga, ‘Lord, sana huwag Niyong palalakihin ang ulo ko. Sana marunong pa rin akong tumingin sa pinanggalingan ko.’ Laging ganun.

“Kahit sinasabi ng iba, ‘Hindi ka naman ganun.’ Pero hindi natin alam.”

Tumibay rin daw ang pananampalataya ni Vhong dahil sa nangyari.

“Basta pagkatiwala mo sa Kanya lahat. Lahat naman, Siya nakakaalam niyan, e.

"Siya ang nagbigay niyan.

"Kung gusto Niyang kunin iyan, Siya rin kukuha niyan."

MOVIE PROJECT

Isa pang magandang balita para kay Vhong nang mapili bilang isa sa official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ang pelikula niyang Unli Life.

Aniya, “Una sa lahat, hindi namin alam na makakapasok kami sa PPP, dahil habang ginagawa namin ang Unli Life, wala kaming playdate.

"Kumbaga, ini-enjoy namin ang shoot dahil hindi nagmamadali.

“Kasi ang hirap sa isang pelikula pag may playdate ka, namamadali. Ang nangyayari, nagsa-suffer ang quality ng pelikula.

“Ito ngang Unli Life, dahil hindi kami pressured sa playdate, kumbaga, in-enjoy nang in-enjoy namin hanggang sa another blessing na natanggap kami sa PPP.

“At first time ko na makasama sa PPP, kaya sobrang blessing talaga.”

Kabilang din sa pelikula sina Winwyn Marquez, Joey Marquez, Jon Lucas, Alex Calleja, Donna Cariaga, ay Kamille Filoteo.

May special participation din sina Dimples Romana, Joem Bascon, Epi Quizon, at Jhong Hilario.

Ipalalabas ang Unli Life sa mga sinehan simula sa August 15.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vhong Navarro on what he learned from the 2014 condo incident: "Siguro para sa sarili ko, yung masyado akong naging bilib sa sarili ko. Kung ano yung nakikita ko, kung ano ang [gusto] ko, baka puwede kong makuha agad. Siguro hinumble Niya ako ulit."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results