Bela Padilla confronts entertainment editor who offended her

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla to entertainment press: "Sana intindihin niyo rin po kung nakikita niyong medyo nasasaktan kami sa tanong. Medyo maging sensitive po tayo sa isa't isa."

 


Nilinaw ni Bela Padilla ang kanyang tweet kung saan sinabi niya na-offend siya sa paraan ng pagtatanong ng isang miyembro ng entertainment press.

Tweet ni Bela: "I was asked a series of very rude and insensitive questions. I tried to answer the best way I could, despite being caught off guard. I'm sorry if you didn't get the angle you wanted out of me."

 Ayon kay Bela, “Oo, may isa—hindi ko naman nilalahat. 
 
“Pero ako kasi, personally, gusto ko kapag presscon kung bakit tayo nandito, gusto ko yun ang pinag-uusapan.  

“Bilang respeto sa kasama kong artista, doon sa mga nagbayad ng venue, pagkain.

“Parang yung PPP, for me, ang pag-usapan natin, yung mga pelikula."

Ang PPP ay tumutukoy sa Pista ng Pelikulang Pilipino na nasa pangalawang taon na at kung saan kasali ang pelikula niyang The Day After Valentine's. Sa presscon ng launching ng nasabing film festival na ito nung Hulyo naganap ang sinasabi ni Bela na nakaka-offend na pagtatanong sa kanya.

“Puro personal po kasi ang mga tinanong sa akin, nag-beg-off na 'ko, hindi pa po ako tinigilan.
 
“Parang nagulat ako, at saka kung mapapansin niyo naman po, tuwing presscon, ako po ang huling umaalis.  

“Sinasagot ko po lahat, parang ako, I give my share.

“Sana intindihin niyo rin po kung nakikita niyong medyo nasasaktan kami sa tanong.

“Medyo maging sensitive po tayo sa isa’t isa, kasi ako, very open po akong tao.”

Nakausap si Bela ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa presscon ng pelikula nila ni JC Santos na The Day After Valentine’s ng Viva Films.

Ginanap ang event sa Le Reve Pool & Events Place, Quezon City, noong Huwebes, August 2.

BELA CONFRONTS OFFENDER

Nag-follow-up ng tanong ang isang editor ng isang entertainment tabloid, kung aware daw ba si Bela na bahagi talaga ng showbiz ang matanong nang personal.
 
“Ay, opo,” ang mabilis na sagot ni Bela, “Pero hindi po kailangang sumagot… hindi po ako bayad para sumagot.”
 
Sa puntong ito, nagulat din ang ilang entertainment press na nag-i-interview kay Bela nang biglang tapatin nito na ang nagtanong na editor pala ang pinatutungkulan niya sa kanyang tweet.
 
Paglalahad ni Bela, “Actually, I would be honest, kayo po ang naka-offend sa akin noong araw na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang nasaktan po ako, pero sinagot ko po kayo.

“Binalikan ko po kayo na pasensiya na po kayo, hindi ko po kayo masagot dahil nasaktan po ako.
 
“Pero yun lang… I’m not there in support for my film but for all eight films [na kasali sa PPP].  

“I feel like I give so much of myself already pati sa social media.  

“Parang yung mga ganung bagay, kung personal, alam mo yun..?”
 
Muling nagtanong ang tinukoy na editor, kung hindi raw ba dahil sa may pinagdadaanan nga sina Bela at ang nali-link sa kanyang si Zanjoe Marudo.
 
Natawang sagot naman ni Bela, “Kasasabi ko lang po, ayoko na pong pag-usapan.
 
“Wala po kaming pinagdadaanan.”

Nagsimulang ma-link sa isa't isa sina Bela at Zanjoe nang maging co-stars sila sa ABS-CBN teleserye na My Dear Heart. Pareho silang kagagaling lang noon sa breakup—si Bela mula sa boyfriend na si Neil Arce habang si Zanjoe naman ay kay Bea Alonzo.

Wala namang kumpirmasyon na naging magkasintahan nga sina Bela at Zanjoe.
 
“Medyo na-offend po ako sa way ng pagtatanong niyo lang nung day na yun," balik ni Bela sa editor na nagtanong kung may pinagdadaanan sila ni Zanjoe.

“I feel like, medyo na-attack ako.  I was in a very good mood, in a happy mood, 'tapos nag-iba.
 
“May sinagot na po ako, binabalik niyo pa po.
 
“Parang hindi ko na alam kung ano pa po ang gusto niyong gawin.

“Hindi ko alam kung tina-try niyo ba 'ko na may masabi akong mali. So, yun lang naman po.”
 
Pero balik din ng editor kay Bela, tinatanong lang naman daw niya ang aktres kung kumusta na ito.
 
Sagot naman ni Bela, “Ay, hindi po yun ang tinanong niyo.  Pero sige po, okey lang po. Okey na po sa akin.”
 
Hindi kataka-taka ang walang-prenong paghahayag ni Bela ng saloobin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa siya sa mga artista ngayon na nakikilala na rin sa pagiging prangka o vocal lalo na sa mga interview.
 
Saad niya, “Opo, sinasabi ko naman lahat ang puwede kong sabihin.  

“Kung may tanong kayo, sasagutin ko naman po nang maayos.”
 
“Wala naman po kasing kailangang itago kapag wala ka namang ginagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN