Loisa Andalio slams "one-night stand" rumor

IMAGE Noel Orsal

Loisa Andalio on alleged one-night stand as cause of rift with rumored boyfriend Ronnie Alonte: "May nagawa talaga ako, pero hindi ganun."


Sa gitna ng usap-usapang may mabigat na pinagdaraanan ang relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte, lumabas din ang kuwento na ang pinag-ugatan daw ng kanilang problema ay ang "one-night stand" diumano ng young actress sa isang non-showbiz guy.

Dahil dito ay sunud-sunod ang pamba-bash at panghuhusga na inani ni Loisa.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Loisa sa set ng ASAP noong Linggo, August 5, nilinaw niya ang isyu at dinepensahan ang sarili.

Saad ng 19-year-old actress, "Iyang pamba-bash sa akin, yung issue na di maganda, actually hindi naman ako gaanong naapektuhan.

"Kasi alam ko naman sa sarili ko na hindi naman talaga totoo.

"Alam naman nila kung gaano kaimportante sa akin si Ronnie, hindi ko naman magagawa yung ganung bagay."

Dugtong pa ni Loisa, "As in napaka OA [over-acting] talaga, grabe!

"Sabi ko, 'Hindi ko kayang gawin iyan, di ko talaga kayang gawin iyan!'

"Ako naman siyempre, nasasaktan ako, grabe nila akong i-judge na hindi naman nila alam kung ano ang nangyari.

"Gumagawa na lang siguro ang mga bashers ko ng kuwento at ito na ang pinaniwalaan nila.

"Na-offend talaga ako sa 'one-night stand' na sinasabi nila, na hindi naman talaga totoo."

Ipinaliwanag din ng young actress kung bakit noong una ay pinili niyang manahimik tungkol sa isyu.

"Ayokong mag-tweet na i-defend ang sarili ko na, 'Ah, di po totoo yung one-night stand.'

"Parang ayoko na kayong bigyan ng time, dahil hindi naman totoo.

"Happy ako this time nabigyan ako ng opportunity para masabi ko sa mga tao, ma-clear ko sa mga tao na hindi naman talaga totoo."

RELATIONSHIP PROBLEM

Tulad ng sinabi ni Ronnie, kinumpirma ni Loisa na dumaan talaga sila sa maituturing niyang pinakamabigat na pagsubok na dumating sa kanilang relasyon.

"May pinagdaanan talaga, as in sobrang laki ng pinagdaanan namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Private na lang, pero as in grabe, dito kami sobrang sinubok ng tadhana.

"Ito yung pinaka-worst. Ganun siya kalaki.

"Pero sobrang happy ako kasi napag-usapan namin, and sobrang bait talaga ni Lord kasi hindi Niya kami pinabayaan, kaming dalawa ni Ronnie."

Sa huling interview kay Ronnie ay nabanggit nito na kung ang Diyos nga ay nakapagpapatawad, bakit naman hindi niya makakayang patawarin si Loisa.

Ito rin ang nagbigay ng ideya sa iba na mukhang ang aktres ang may nagawang kasalanan sa rumored boyfriend.

Ani Loisa tungkol dito, "Sa akin naman, may nagawa talaga ako, pero hindi ganun ha, hindi yun, ha.

"Grabe naman kasi yun, e.

"Tao lang naman, nagkakamali. Siya din naman, tao din, nagkakamali din.

"Ang mahalaga, napag-uusapan, naayos. 

"Sabi ko naman sa kanya na hindi kami pababayaaan ni Lord."

Hindi rin naman ikinaila ni Loisa na siya ang nag-initiate para makapag-usap silang muli ni Ronnie.

Pag-amin niya, "Hindi... nagkita na lang kami sa event ng Penshoppe. Rehearsal or dinner ng Penshoppe.

"Dun lang talaga nagkaroon ng time uli na makapag-usap, 'tapos nung nakapag-usap kami, okay na. Naayos, naliwanagan. 

"Sa amin, hindi namin talaga itinatanggi iyan kung gaano kami kaespesyal sa isa't isa.

"Basta ako, sa ngayon, sobrang happy ko ngayon na nalagpasan namin kung anuman yung dumating sa amin.

"Hindi talaga kami pinabayaan ni Lord."

Marami ang natuwa at kinilig na mga LoiNie (uniname nina Loisa at Ronnie) fans nang kumalat sa social media ang larawan ni Loisa na nakayakap sa likod niya si Ronnie.

Pahayag ni Loisa tungkol dito, "Kahit ano pa ang mangyari, pag-ibig or kaligayahan talaga ang mananaig, yun ang mangingibabaw.

"Kaysa sa away, siyempre masarap sa feeling yung masaya lang, nagmamahalan lang.

"Siguro pagdadaanan lang talaga namin ito."


Stories We Are Tracking

Ronnie Alonte admits misunderstanding with Loisa Andalio
Ronnie Alonte admits misunderstanding with Loisa Andalio
Ronnie, Loisa spotted hugging, kissing amid rumored breakup
Ronnie, Loisa spotted hugging, kissing amid rumored breakup
Ronnie makes a promise to Loisa after their misunderstanding
Ronnie makes a promise to Loisa after their misunderstanding
Loisa Andalio and Ronnie Alonte:
Loisa Andalio and Ronnie Alonte: "Love always wins."

"TRUST NO ONE." 

Para kay Loisa, ang mabigat na pinagdaanan nila ang lalong nagpatatag at nagpalalim sa relasyon nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon din siyang mga natutunan sa nangyari.

Aniya, "Mas tumatag talaga kaming dalawa, as in talaga.

"Ako naman, ang natutunan ko talaga, wala kang mapagkakatiwalaan, as in wala.

"Mayroon family, sobrang pili. Out of ten, mga four. Ganun lang talaga ang mapagkakatiwalaan mo.

"Yun talaga ang natutunan ko. Trust no one, yun talaga."

Nagbigay rin ng mensahe si Loisa sa mga tagahanga nila ni Ronnie na naapektuhan nang sobra nang lumabas ang balitang may pinagdadaanan ang relasyon nila.

"Sa mga fans na naapektuhan, sa lahat ng sumusuporta sa amin na naapektuhan, wala na kayo kailangang i-worry.

"Lahat talaga dumadaan sa ganitong pangyayari.

"Kailangan lang natin na maging strong at maging matatag dahil marami pa tayong gagawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN