Elisse Joson confirms McCoy de Leon unfollowed her on IG

IMAGE Noel Orsal

Elisse Joson on status of relationship with love-team partner McCoy de Leon: "Hindi kami masyadong nagkakausap ngayon. Nag-usap kami last time, okay naman kami, pero hindi na kami nag-uusap nang regular."


Kinumpirma ni Elisse Joson na in-unfollow siya ng ka-love team na si McCoy de Leon sa Instagram.

Inamin din ng Kapamilya young actress na mayroon silang tampuhan ngayon.

Pahayag ni Elisse, “Yun nga rin, hindi ko rin naiintindihan actually yung nangyaring yun.

“Hindi ko masabi kung bakit kaya nagtaka din ako.

“Ako, hindi ako nag-unfollow, the fans know about it, sila ang nakakita at nakaalam.

“Ako, hindi talaga ako aware.”

Pero ayon sa dalaga, binawi rin ito ni McCoy at finollow siya ulit nito.

Inalam ba niya kung bakit siya in-unfollow ng binata?

Tugon ni Elisse, “Hindi ko na tinanong kung bakit, hindi ko na rin inalam kung bakit.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Elisse sa premiere ng pelikulang Dito Lang Ako, sa Cinema 11 ng SM Megamall, Lunes ng gabi, August 6.

NO COMMUNICATION

Nagkita at nagkausap na ba sila ni McCoy?

Ayon kay Elisse, “Hindi pa kami nagkikita uli, actually, matagal-tagal na rin.

“Hindi ko na nga maalala… ah, mall tour, hindi ko na maalala kung saang probinsiya, pero nag-mall tour kami, album tour namin.”

Dagdag niya, “Hindi kami masyadong nagkakausap ngayon.

“Nag-usap kami last time, okay naman kami, pero hindi na kami nag-uusap nang regular.”

Nalulungkot daw si Elisse sa tampuhan nila ngayon ni McCoy.

“Oo naman, siyempre. Hindi ko naman in-expect na magkakaroon ng ganito.

“But I'm just taking it day by day, ganun na lang sa akin.

“I think lahat naman may rason talaga.”

Bukas din daw siyang makipagkasundo sa kapareha.

“Ako naman, walang problema sa akin kung maayos o hindi.

“Actually, maayos naman kaming nag-usap the last time, yun…

“Hindi ko rin masabi. Hindi natin masasabi.”

END OF LOVE TEAM?

Marami rin ang nakakapansing ipinapareha na sina Elisse at McCoy sa ibang mga artista ng Kapamilya network.

Hudyat ba ito na mawawala na ang tambalang McLisse?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Elisse, “Hindi ko alam actually, okay naman kami na binibigyan kami ng separate work na individual projects, so okay naman.

“Dati pa rin naman, alam namin na ganun din naman ang mangyayari.

“Ever since, dati, we always say, at end of the day, kung ano ang magiging okay for the growth of our career.”

May mensahe ba siya para sa McLisse fans na nag-aalala na baka mabuwag na ang kanilang tambalan?

Sabi ni Elisse, “Yung mga fans siyempre, sa iba, hindi okay sa kanila, iba-iba ang reactions.

“Yung iba naman, very understanding din.

“Yung iba naman, ipinapakita talaga nila suporta nila sa amin, whether individual or together.”

Sa kabila nito ay mapapanood pa rin sina Elisse at McCoy sa isang pelikula.

“Katatapos lang ng Wansapanataym, after nun hinihintay lang namin mag-resume yung sa movie.

“May last shooting day na yung movie na ginagawa ko with McCoy,” sabi ni Elisse.


Stories We Are Tracking

Elisse clarifies reported love trouble with McCoy
Elisse clarifies reported love trouble with McCoy
Elisse lectures some McLisse fans about 'hurting others'
Elisse lectures some McLisse fans about 'hurting others'


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN