Marami ang nanghinayang na pagkatapos magpamalas ng husay sa pag-arte sa ABS-CBN prime time series na A Love To Last, biglang nag-lie low sa telebisyon at pelikula si JK Labajo.
Inakala nga ng mga tagahanga ng The Voice Kids Season One finalist na pagkatapos ng pagsasaere ng nasabing teleserye ay tuluy-tuloy na siyang mapapanood na umarte.
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay JK sa ABS-CBN compound, sinabi niyang kahit siya ay nagtaka sa paglamlam ng kanyang career.
"Bigla akong nalaos, malay ko. Ayoko kasing gawin yung mga ano... usual stuff na ginagawa ng lahat.
"So ang ginawa ko, I followed my heart and followed what I wanted to do, which is having my own band, to create my own music.
"Yun ang ginagawa ko ngayon."
Ang kanyang banda na Juan Karlos ang pinagtutuunan niya ng pansin sa kasalukuyan.
"Last month nag-release kami ng song, the title is 'Buwan,'" banggit ng 17-year-old singer-actor.
"Medyo nag-lie-low ako actually for a while after A Love To Last.
"Hindi na ako napapalabas sa TV. Hindi ako kinukuha, so ayun."
"IT'S NOT ACTING."
Pero bukas pa ba siya sa paggawa ng teleserye kung saka-sakaling makatanggap siya ng offer.
Diretsahang sagot ni JK, "Okay naman ang teleserye exposure-wise, pero it's not really acting.
"Personally, for me, hindi talaga nasu-showcase yung totoong acting skills ng isang actor sa isang teleserye.
"Di mo makikita yun dun, e. Pag umiyak ka lang sa TV, actor ka na. Mag-ano ka lang, actor ka na.
"Well for me, it's not real acting, it's not genuine acting. It's just akting-aktingan."
Patuloy ni JK, "I'm open to indie films, actual acting.
"I'm open to actual acting, not akting-aktingan.
"I'm open to people who actually believe in acting when it comes to real acting.
"You know, like being in the character, being this, being that, doing this, doing that.
"Gusto kong gawin yun, indie films. Gustung-gusto ko."
Sa ngayon ay wala pang alok na natatanggap si JK para gumawa ng indie films, pero bukas daw siya sa anumang challenging roles na iaalok sa kanya.
"Kahit ano, kung ano yung okay, kung ano ang mayroon.
"Hindi ako maarte sa kung anuman yung role na ibigay sa akin, 'Ay, huwag 'yan, ano 'yan sa image ko.'
"Gay roles, psychopath... I'll try my best na makapag-execute ako nang mabuti. Mas gusto kong gawin yun."