Sharon Cuneta reacts to KC Concepcion mystery flower sender

IMAGE @itskcconcepcion Instagram

Sharon Cuneta hints at approval to daughter KC Concepcion's new suitor: "Uhmmm...Am I allowed to...jump up and down?! But you made me love all of them!!! Hahaha!"


Inihayag ni Sharon Cuneta, 57, na excited siya sa blooming love life ng eldest daughter niyang si KC Concepcion, 33.

Kaugnay ito ng Instagram post ni KC kung saan ibinahagi ng dalaga ang kuha ng Ecuadorian red roses na natanggap niya mula sa kanyang mystery flower sender.

Nasorpresa si KC nang madatnan ang red roses sa loob ng kanyang hotel room sa Los Angeles, California, kung saan kasalukuyan siyang nagbabakasyon.

Sa caption ng Instagram post ni KC kagabi, August 7, “Coming home to this surprise delivery (sent to my hotel room) just made me meditate on this Bible verse, which talks about how THERE IS A TIME FOR EVERYTHING.”

Kalakip nito ang Bible passage mula sa book of Ecclesiastes na nagbanggit tungkol sa tamang panahon para sa pag-ibig.

Coming home to this surprise delivery (sent to my hotel room) just made me meditate on this Bible verse, which talks about how THERE IS A TIME FOR EVERYTHING ???? . “There is a time for everything & a season for every activity under the heavens... A time to plant & a time to uproot... A time to tear down & a time to build, a time to weep & a time to laugh. . A time to mourn & a time to dance, a time to scatter stones & a time to gather them, a time to embrace & a time to refrain from embracing, a time to search & a time to give up, a time to keep & a time to throw away. . A time to tear & a time to mend, a time to be silent & a time to speak, a time to love & a time to hate, a time for war & a time for peace.” - Ecclesiastes 3 : 1-8 ? . There is a time for everything, and God’s timing IS everything. ?????????? #TheKCDiaries #Kacepirations

A post shared by Kristina. (@itskcconcepcion) on

SWEET MESSAGE FROM SHARON

Sa comments’ section ng post ni KC, agad nagpahiwatig si Sharon ng suporta para sa love life ng anak.

Kasabay nito ay inamin ng Megastar na lahat ng ipinapakilalang boyfriend ni KC ay napamahal sa kanya.

Sabi ni Sharon, na tila kilala ang identity ng mystery flower sender ni KC:

“Uhmmm...Am I allowed to...jump up and down?! But you made me love all of them!!! Hahaha!"

Naglambing din si Sharon sa eldest daughter sa pamamagitan ng pagpapaalala rito na nag-breastfeed siya noong sanggol pa lang si KC.

"Been praying for you Toot. You want to dede again from Mama Cucai ko?! Nyaaaaaaaaaaaa-hahahahahahahahahaha!

"I can hear you na 'Maaaaaaaaa!!! YUUUUUUCK!' Hey kept you alive the first couple of months! Nyahaha!"


KC'S FOREIGNER SUITOR

Noong July 23, inamin ni KC na inspirado siya sa dating status nila ng isang non-showbiz, foreigner guy.

Kilala at aprubado raw ito ng kanyang pamilya.

"Non-showbiz siya and mahal siya ng pamilya ko, and I think nagkakasundo kami ng pamilya niya," pag-amin ni KC sa panayam ng ABS-CBN News Online.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Azkals football player na si Ali Borromeo ang huling naging boyfriend ni KC.

Noong April 2018, parehong kinumpirma nina KC at Ali ang kanilang hiwalayan pagkatapos ng dalawang taong relasyon.

Ilan pa sa mga naging karelasyon ni KC mula sa showbiz ay sina Piolo Pascual at Paulo Avelino.


Stories We Are Tracking

KC Concepcion admits dating non-showbiz, foreigner guy
KC Concepcion admits dating non-showbiz, foreigner guy
KC wants mom Sharon to feel that having her was worth it
KC wants mom Sharon to feel that having her was worth it
KC Concepcion confirms breakup with Aly Borromeo
KC Concepcion confirms breakup with Aly Borromeo

 


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN