Markus Paterson clueless why Bailey May, Heaven Peralejo unfollowed him, Ylona Garcia on IG

IMAGE @baileymay, @ylonagarcia, @heavenperalejo on Instagram / Noel Orsal

Markus Paterson (extreme right) is puzzled why Bailey May (extreme left) and Heaven Peralejo (second to right) unfollowed him and Ylona Garcia (2nd from left) on Instagram. 


Inamin ng Kapamilya young actor na si Markus Paterson na marami siyang nakukuhang kritisismo ngayon dahil sa pagkakaugnay niya kay Ylona Garcia.

Magkasama ang dalawa sa ABS-CBN daytime series na Sana Dalawa ang Puso.

Pinag-usapan sa social media noong nakaraang buwan ang pag-unfollow ni Bailey May kina Ylona at Markus sa Instagram.

Dating magka-love team sina Bailey at Ylona, kilala rin bilang BaiLona, bago pumunta sa ibang bansa si Bailey para tutukan ang kanyang international music career bilang miyembro ng international pop group na Now United.

Close friends naman sina Bailey at Markus.

Samantala, in-unfollow din ni Heaven Peralejo sina Markus at Ylona sa Instagram.

Kasama rin si Heaven sa Sana Dalawa Ang Puso.

Nali-link naman si Heaven kay Markus.

Napansin din ng netizens ang pagbura ni Heaven sa kanyang Instagram account ng pictures nila ni Markus.

CLUELESS MARKUS

Cluless daw si Markus kung bakit in-unfollow siya at si Ylona nina Bailey at Heaven.

Saad ng Star Magic artist, “Honestly, I have no idea.

"Nagulat nga ako kasi kapag on set kami, kasi, di ba, kasama si Heaven sa serye, sobrang parang walang nangyari, parang we’re all friends, like super chill.

“I didn’t even notice she unfollowed me. 'Tapos nakita in-unfollow niya si Ylona.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Markus sa press conference ng pelikulang Ang Babaeng Allergic sa WiFi na ginanap sa Prime Hotel, Sgt. Esguerra, Quezon City, nitong August 8, Miyerkules.

Ano ang suspetsa niyang pinag-ugatan nito?

“Baka naniwala sila sa mga nababasa online or whatever,” ani Markus.

Ayon pa sa binata, posibleng ang pinag-ugatan nito ay ang lumabas na larawan nila ni Ylona, kung saan tila sobrang close sila.

“Naaawa lang ako sa bata [Ylona] kasi nadadamay siya, e, kahit wala naman siyang ginagawang masama.

"Wala naman kaming ginagawang masama, parang may mga misinterpreted photos lang dahil close kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“There’s speculation around the photo, just the photo. Wala naman talagang isyu. It’s just people misinterpreting.”

Kinausap na raw ni Ylona si Heaven sa set ng kanilang teleserye tungkol sa isyu.

“Ylona talked to Heaven. They talked muna.

“We haven’t talked yet about the situation kasi hindi pa kami nag-taping, e."

Apektado raw si Markus sa nangyari.

“Nagugulat lang ako na parang, ‘Wow, sakit nun, ah.’

"It’s okay. I don’t get, like, too affected. Everyone has his own opinion.

“Di po ako madrama. I don’t really get into situations na ganyan.

"But with Bailey, he’s always been a friend of mine ever since we started.

“I’m trying to talk to them.

"Pero si Bailey kasi busy. He’s really busy with work, and super proud of him.

"So, sana pag bumalik siya ulit, maka-talk kami."

Umaasa naman daw si Markus na magkakaayos din silang magkakaibigan.

“I think magiging maayos naman. Every friendship has its ups and downs.”


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN