Empoy Marquez confirms Alessandra de Rossi's past relationship with Marc Abaya

by Rachelle Siazon
Aug 9, 2018
Empoy's ultimatum to Alessandra de Rossi: "Mag-asawa ka na. Turning point na, e. Pag hindi ka pa nag-asawa, sige, bahala ka, baka maging tayo! Hmm!"

Kinumpirma ni Empoy Marquez na matagal nang hiwalay ang dating lihim na magkarelasyong sina Alessandra de Rossi at Marc Abaya.

“Matagal na po,” simpleng saad ni Empoy nang tanungin kung hiwalay na nga ba sina Alessandra at Marc.

Minsan nang inihayag ni Alessandra na kailanman ay hindi niya kinumpirma na naging sila ni Marc.

Ngunit hindi kaila sa showbiz circles ang pagiging malapit nina Alessandra at Marc mula noong 2016.

Sa pagpapatuloy ng panayam kay Empoy, sinabi niyang single ngayon si Alessandra.

Naging malapit na magkaibigan sina Empoy at Alessandra mula nang pagtambalan nila ang 2017 blockbuster movie Kita Kita, hanggang sa muli silang nagkasama sa 2018 ABS-CBN prime time series na Since I Found You.

Hiling ni Empoy para kay Alessandra sa aspetong love life, “Sana makita mo na yung taong totoong magmamahal sa iyo.”

May ultimatum si Empoy sakaling hindi pa rin makita ni Alessandra ang tamang lalaki para rito.

Continue reading below ↓

Pabirong sabi ng comedian, “Mag-asawa ka na. Turning point na, e.

"Pag hindi ka pa nag-asawa, sige, bahala ka, baka maging tayo! Hmm!”

Haaaay. Ang hirap talaga maghanap-buhay. ???? #alempoy

A post shared by Alessandra De Rossi. EVER. (@msderossi) on

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empoy sa finale presscon ng Since I Found You, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN ELJ Building sa Quezon City, noong Martes, August 7.

Nang tanungin kung posibleng mahulog ang loob niya kay Alessandra, nilinaw ni Empoy na malapit na magkaibigan ang turingan nila ng aktres.

“Hindi ako na-in love sa kanya, pero gustung-gusto ko siya laging nakikita.

“Love ko yun si Alessandra. Alam naman niya yun.”

Napatunayan din daw ni Empoy kung paano maaasahan si Alessandra bilang kaibigan.

“Sinamahan niyang magpa-checkup sa ospital. 'Tapos coding ako. Siya yung nag-drive ng car niya.

“Health is wealth, 'tapos may kaibigan ka pa na ganun.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Empoy's ultimatum to Alessandra de Rossi: "Mag-asawa ka na. Turning point na, e. Pag hindi ka pa nag-asawa, sige, bahala ka, baka maging tayo! Hmm!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results