Ronnie Alonte pissed off at "one-night stand" rumor about Loisa Andalio

IMAGE @iamandalioloisa, @hashtag_r2a on Instagram

Ronnie Alonte dismisses rumors that the cause of his misunderstanding with love-team partner Loisa Andalio is because the latter had a one-night stand with another guy. He admitted that he got angry with those who judged Loisa immediately.


Dinepensahan ni Ronnie Alonte ang rumored girlfriend na si Loisa Andalio laban sa lumabas na balitang ang dahilan ng mabigat na pinagdaanan nila ay dahil nahuli raw ng Hashtags member ang young actress na may naka-one night stand.

Hindi napigilan ni Ronnie ang galit at inis sa mga taong nagpakalat ng below-the-belt na isyu sa nababalitang girlfriend.

Aniya, "Nakakaloko na hindi ako makapagsalita nang masama.

"Alam mo yung ganung feeling na gusto mong magsalita nang masama, pero hindi mo magawa dahil may iniingatan ka? Iba-iba, e. 

"Nakakaawa yung tao kasi hindi naman totoo yung issue.

"Nagkaproblema kaming dalawa pero hindi ganun kalalang eksena.

"Away ano lang talaga, normal na away."

Paliwanag pa ni Ronnie, "Napa-post lang ako nang di sinasadya, hindi naman talaga para sa kanya yun.

"'Tapos napa-post siya ng medyo emotional messages, masyadong binig deal. 

"Nineteen years old na babae, maraming humuhusga sa kanya na below-the-belt, nakakabastos."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Ronnie sa set ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime noong Miyerkules, August 8.

Wala ba talagang third party na involved sa naging tampuhan nila ng kapareha?

Sagot niya, "Wala, mga kalokohan lang sinasabi na iyan ng mga tao. Nakakaasar, e."


Stories We Are Tracking

Loisa Andalio slams
Loisa Andalio slams "one-night stand" rumor

"MAS KILALA KO SIYA."

Sa naunang panayam kay Ronnie ay nabanggit nito na kung ang Diyos ay nakakapagpatawad, sino siya para hindi magawa ito.

Ito ang pinagbasehan ng iba na mukhang matindi raw ang nagawang kasalanan ni Loisa sa kanya.

Paliwanag ni Ronnie ukol dito, "Oo, hindi naman natin puwedeng higitan si Lord, wala nang hihigit pa sa Kanya.

"Napa-post din ako ng 'love always wins' talaga. Yung pagmamahal mo sa isang tao, sundin mo yung puso mo, yung nararamdaman mo.

"Kahit sa pamilya mo. Kahit anong mangyari, kahit anong problema ang dumating sa inyo, isipin mo lang si God.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahalin mo ang sarili mo, mahalin mo ang pagkatao mo, mangyayari at mangyayari ang gusto mong mangyari."

Dagdag na depensa pa ni Ronnie kay Loisa, higit sa lahat ay siya ang nakakakilala rito.

"Mas kilala ko siya... nasasaktan din lalo na ako.

"Nagalit talaga ako, pero hindi lang ako makapagsalita. 

"Ayoko lang talagang magsalita ng masama, e. Kaya ayun, nakakapikon."

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph kay Loisa ay inamin nito na siya ang nag-initiate ng move para makapag-usap at magkaayos sila ni Ronnie nang magkita sila sa event ng isang clothing brand.

Saad ni Ronnie, "Hindi naman ganun kalala para magbati kaming dalawa, na dahil sa Penshoppe nagbati kami.

"Normal na nagkita kami uli, 'Kumusta?' Usap-usap.

"Kung anuman ang mga sinabi namin, yun lang. 

"After nun, okay na kami uli. Ganun kami, e.

"Madaming beses na kaming nag-away sa totoo lang, pero kami yung tipo na yayakapin ko siya, yayakapin niya ako, okay na kami."

Ayon din kay Ronnie, isa sa lalong nagpalalim sa problema nila ni Loisa ay ang panggagatong ng ibang netizens sa naging tampuhan nila ng rumored girlfriend.

"Oo, kasi bukod sa nangyari sa aming dalawa, sinamahan pa ng mga tao na luko-luko sa social media na nakakababa talaga ng pagkatao ni Loisa. Siyempre damay ako.

"Dagdag init ng ulo, pikon na ako, mas lalong napikon pa ako ngayon.

"Pero siyempre dahil sa tulong ni God, naniwala lang talaga ako. 

"Nagdadasal ako talaga na, 'Mahirap talaga itong buhay namin. Kailangan huwag kaming magpaapekto.'

"Ako ang nagsabi sa sarili ko na pag nag-start ako, magpapakatotoo ako, hindi ako para makihalubilo sa mga away na ganyan.

"Tinulungan Niya kami. After nun, nagsimba kami, dasal kaming sabay. After nun, nabuhayan na kami ng loob."

BAD PUBLICITY IS STILL PUBLICITY

May ideya ba siya kung sino ang nagpakalat ng isyu na ito tungkol kay Loisa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ronnie, "Yun ang wala akong idea.

"Kasi minsan ganyan ang mga bashers, gagawa ng sariling account para lang i-bash ang ibang tao.

"Huwag lang magpapahuli sa akin.

"Basta ako, masaya na kaming dalawa, pangalawang buhay.

"Kagaya din ng sinabi ko, panibagong trabaho na darating sa amin, ang daming blessings ngayon na darating sa amin."

Para kay Ronnie, kahit negatibo ang isyu, positibo pa rin ang pananaw niya na ang pinagdaanan nila ni Loisa ay patunay lang na nagma-matter sila sa showbiz.

Aniya, "Ngayon mas alam na namin. Dati sinisiraan kami, binabasag kami. 

"Masaya kami dahil sinasabi namin sa isa't isa, 'Buti nga may ganyang tao kasi kung wala, waley tayong dalawa. Ibig sabihin, lalo pa tayong pinapaingay ng mga tao.'

"Kaya happy kaming dalawa dun."

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Ronnie sa LoiNie fans na hindi bumitaw at nagdasal para sa kanila ni Loisa.

"Maraming-maraming salamat. Huwag kayong mag-alala dahil kami ay masaya.

"Simula ng unang taon na nagkakilala kami, hanggang ngayon, masayang-masaya kami. Wala kaming problema.

"Basta kami, gagawin namin ang aming mga trabaho para mapasaya kayong lahat. Mahal na mahal namin kayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN