Former child actor CJ Ramos released from jail

by Arniel C. Serato
Aug 9, 2018
Nakalaya na mula sa kulungan si CJ Ramos matapos ang halos sampung araw na pagkakakulong dahil sa ilegal na droga. Diretso raw sa bahay si CJ at nagpahinga matapos i-release sa kulungan ngayong hapon ng Huwebes, August 9.

Nakalabas na ng kulungan ang dating child actor na si CJ Ramos matapos makapaglagak ng piyansa ngayong Huwebes, August 9.

Tumawag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang half-brother ni CJ na si Sherwin Ordoñez ngayong gabi rin upang ipaalam ang magandang balita.

Ayon sa dating actor-dancer, kaninang hapon nakalabas sa kulungan si CJ at dumiretso ito sa bahay at nagpahinga.

Sa naunang eksklusibong panayam ng PEP.ph sa kanilang ina na si Connie Ocampo, sinabi nitong inaahasan nilang makalalabas ng kulungan si CJ sa Biyernes pa, August 10, dahil maghahain pa sila ng motion to reduce bail.

Ayon kay Sherwin, pinagbigyan ng korte ang kanilang mosyon at binabaan ang piyansa ni CJ mula sa P200,000.

Nahuli ng mga awtoridad si CJ sa isang buy-bust operation sa may Tandang Sora, Quezon City, noong July 31 ng gabi.

Nakuha mula sa dating aktor ang .7 gramo ng shabu.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Sherwin Ordonez, cj ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakalaya na mula sa kulungan si CJ Ramos matapos ang halos sampung araw na pagkakakulong dahil sa ilegal na droga. Diretso raw sa bahay si CJ at nagpahinga matapos i-release sa kulungan ngayong hapon ng Huwebes, August 9.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results