Ruru Madrid denies courting Bianca Umali; vows continued support for Gabbi Garcia

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid on courting Bianca Umali: "Alam ko rin naman na si Bianca, parang I don't think na ready na siya sa relationship."


Usap-usapan nitong nakaraang linggo na nililigawan diumano ni Ruru Madrid, 20, ang kapwa Kapuso star na si Bianca Umali, 18.

Madalas daw silang mamataang magkasama in public.

Sa Twitter, may mga kinilig sa posibilidad na maging magkarelasyon ang dalawa.

Pero pagtanggi ni Ruru sa isyu, “Hindi totoo.”

Paliwanag pa niya, “Marami nagsasabi, pero akala lang nila siguro, kasi ngayon mas naging close kami dahil nga parang lagi kaming magkasama sa SPS [Sunday PinaSaya].

"And then, pagka lumalabas kami ng mga magkaibigan, magkasama kami.

“So, parang iniisip ng mga tao na may something sa amin, pero wala naman talaga.”

Wala naman sigurong masama kung ligawan niya si Bianca dahil pareho silang single?

Saad ni Ruru, "Yeah, pero alam ko rin naman na si Bianca, parang I don’t think na ready na siya sa relationship.

"And feeling ko, hindi pa rin naman kasi... ngayon, ang ganda ng takbo ng career niya, ganun din naman ako.

"So, uhm, ito na, tinatanggap na namin lahat ng opportunities na dumadating sa amin.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa backstage ng Green Sun Hotel sa Makati City kagabi, August 9, kung saan ginanap ang trade launch ng bago nilang show na Barangay 143.

Ang Barangay 143 ang kauna-unahang anime series sa bansa at mapapanood ito simula October 2018 sa GMA-7.

HAPPY FOR GABBI GARCIA

Samantala, ang dating ka-love team ni Ruru na si Gabbi Garcia ay nililigawan naman ngayon ng Kapamilya actor na si Khalil Ramos.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot niya, "I'm very happy for her kasi, siyempre nga, si Gabbi naman nasa tamang edad na rin naman siya para sa mga bagay na iyan.

"Ako, susuporta ako sa kanya kahit saan siya mapunta.

"Dito lang ako lagi, isipin lang niya na nasa tabi lang niya ako lagi.

"And, ayun, masaya naman ako sa mga achievements niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Gabbi issues official statement on breakup of GabRu loveteam
Gabbi issues official statement on breakup of GabRu loveteam
Khalil Ramos denies involvement in breakup of GabRu tandem
Khalil Ramos denies involvement in breakup of GabRu tandem
Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi
Kapamilya actor Khalil admits dating Kapuso actress Gabbi


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN