Glaiza de Castro, Alexa Ilacad, Gil Cuerva experience flooding amid habagat rains

by Rachelle Siazon
Aug 12, 2018
Glaiza de Castro, Alexa Ilacad, Gil Cuerva show pictures of how they got stranded in flooded areas amid habagat rains in Metro Manila.

Sina Glaiza de Castro, Alexa Ilacad, at Gil Cuerva ang ilan sa celebrities na dumanas ng matinding pagbaha sanhi ng walang tigil na ulang dala ng habagat simula kahapon, August 12.

Una na rito si Glaiza, na bandang 4:30 p.m. pa lang nang mag-tweet ng litrato ng kanyang van na tire-deep na ang pagkakalubog sa baha.

Na-stranded daw ang kanilang grupo sa on-location shooting sa Macopa St. Corner Biak Na Bato Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Bandang 7:45 p.m. muling nag-tweet ang Kapuso actress na nakalabas na siya ng location, ngunit nanawagan na nangangailangan ng rescue boats ang ilan pa niyang kasamahang na-stranded sa lugar.

ALEXA ILACAD

Si Alexa naman ay na-stranded sa San Roque, Marikina, base sa kanyang tweet bandang 11:18 p.m.

Ayon sa Kapamilya actress, “chest deep na yung baha” sa isang establishment sa Gil Fernando Street, San Roque, Marikina noong mga oras na iyon.

Bagamat “safe” daw siya at ibang kasamahan sa second floor ng establishment, humingi ng tulong si Alexa dahil patuloy ang pagtaas ng tubig sa lugar.

Bandang 12:25 a.m., nag-tweet si Alexa na “nilusob” nila ang baha hanggang Marcos Highway ng Marikina.

At 2:06 a.m. naghayag si Alexa na siya ay “completely safe” at tuluyang nakaalis sa binahaang lugar.

GIL CUERVA

Ang Kapuso actor na si Gil Cuerva ay nagbahagi rin ng litrato ng harap ng kanilang bahay na pinasok na rin ng baha mula sa kalsada.

Ani Gil sa kanyang Instagram Story, "This is the situation outside our house... our street is flooded..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag niya sa hiwalay na post, "This is crazy..."


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro, Alexa Ilacad, Gil Cuerva show pictures of how they got stranded in flooded areas amid habagat rains in Metro Manila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results