Willie Revillame recounts surprise visit to Kris Aquino's son

IMAGE Photo grabbed from WBR Entertainment Productions, Inc.

Willie Revillame explains that his visit to Kris Aquino's son, Josh, last July was unplanned. 


Ikinuwento ni Willie Revillame kung paano niya naisipang bisitahin ang panganay na anak ni Kris Aquino na si Josh nang magkasakit ito noong July.

Naospital si Josh dahil sa erosive esophagitis.

Nalaman daw ito ni Willie nang tawagan siya ng veteran entertainment columnist na si Cristy Fermin.

Natuklasan din daw ng Kapuso game-show host na paboritong kantahin ni Josh sa lahat ng okasyon, at kahit nung naospital ito, ang single niyang “Ikaw Na Nga.”

“Pinatawagan ko si Miss Kris Aquino. Biglaan lang ‘to lahat,” sabi ni Willie sa episode ng Wowowin noong August 10, Biyernes.

Inutusan daw niya ang kanyang staff na alamin kung nasa ospital pa si Josh.

“Nakauwi na raw, nakalabas na.

“Nakausap ng aming staff. Ang gusto lang daw ni Josh, isakay siya sa sports car.

"Tag-ulan nun, buti uminit.

“Sabi ko sa driver ko, ‘Kunin mo yung… manghiram tayo ng kotse.'

“So, nanghiram kami ng Ferrari, sinundo ko siya pumunta ako dun,” lahad ng TV host.

Pero sa status ni Kris ay binanggit niyang pagmamay-ari talaga ni Willie ang sports car.

Pagpapatuloy ni Willie, “Hindi ho nakaplano yun.

"Pinuntahan ko lang yung bata it’s because yun lang ang request ni Josh—maisakay ko siya sa sports car—and yun ang nangyari.”

Na-video ang ginawang pagbisita ni Willie at umabot na ito sa halos 4 million views.

Ayon pa kay Willie, “Napansin niyo, binigyan ko siya ng CD ko, tatlo, e.

"And then, nag-text si Kris Aquino sa staff ko. Pagdating niya [Kris] sa bahay, natutulog, yakap-yakap pa rin ni Josh ang CD.

"Sobrang thankful si Kris Aquino dun sa nangyari."

Nag-post din ng mensahe si Kris sa Instagram tungkol sa pagbisita ni Willie.

Dito ay ipinahayag niya ang malaking pasasalamat kay Willie dahil sa paglalaan ng oras kay Josh.

 


Stories We Are Tracking

Willie Revillame makes surprise visit to Kris Aquino's son
Willie Revillame makes surprise visit to Kris Aquino's son


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN