Dingdong Dantes calls out Ang Probinsyano for unauthorized use of his family's photos

IMAGE Instagram

Dingdong Dantes writes a letter to Ang Probinsyano production team for using and altering his family's photos without consent.


Nagsalita na ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes tungkol sa paggamit ng larawan ng kanyang pamilya sa dalawang pagkakataon ng ABS-CBN prime time series na FPJ's Ang Probinsyano nang walang pahintulot.

Pinotoshop ang mga larawang ito at pinalitan ng mga mukha ng karakter na kabilang sa teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ang fans mismo nina Dingdong at Marian o DongYanatics ang nag-post ng mga screen shot mula sa Ang Probinsyano, kung saan makikita ang photoshopped photos ng Dantes family.

Sa August 8, 2018 episode ng teleserye, makikita si Alice Dixson (bilang Catherine Cabrera) na nakaupo sa tabi ng frame ng wedding photo nila ni Edu Manzano (bilang Vice President Lucas Cabrera).

Ayon sa DongYanatics, ang original photo ay kuha sa kasal nina Dingdong at Marian Rivera noong December 30, 2014. Ngunit pinalitan ito ng mga mukha nina Edu at Alice.


Nauna rito, sa November 9, 2017 episode ng Ang Probinsyano, may ipinakitang larawan sina Joko Diaz at Mickey Ferriols na may hawak na isang baby.

Natuklasan ng DongYanatics na ang original photo ay kuha sa binyag ng anak nina Dingdong at Marian na si Maria Letizia Dantes.

Pinalitan ang mga mukha ng Kapuso couple, ngunit hindi pinalitan ang mukha ni Zia.


 

DINGDONG DANTES REACTS

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Lunes, August 13, naghayag ng saloobin si Dingdong kaugnay ng isyung ito.

Ayon sa Kapuso Primetime King, nagpadala na sila ng sulat sa production team ng Ang Probinsyano upang ipaabot ang kanyang "dismay and deep concern."

Dagdag pa ni Dingdong, “Courtesy and fair practice must always be observed especially in an established industry like ours.

"But whether or not it is done within the entertainment sector, we should always be reminded of the basic etiquette for online photo use and sharing that includes asking permission and/or citing sources.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I do hope that this won't happen again to anyone."

Kalakip nito ang kopya ng sulat na ipinadala ni Dingdong sa mga tagapamahala ng programa ni Coco.

Narito ang kanyang buong pahayag:

“Last week, the DongYanatics has brought to my attention that photos of our family were used and altered for a primetime television show.

"In two episodes of Ang Probinsyano, our wedding photo and a photo taken during Zia's baptism were edited and featured without the consent of our photographer and our family.

“I have been deeply thinking about disclosing my response to the public. However, I owe it to the DongYanatics, to other friends who also expressed their concern, and to our family, to share our action regarding this.

“A letter has already been forwarded to the production team of Ang Probinsyano. This was done, in good faith, to express my dismay and deep concern.

“Courtesy and fair practice must always be observed especially in an established industry like ours. But whether or not it is done within the entertainment sector, we should always be reminded of the basic etiquette for online photo use and sharing that includes asking permission and/or citing sources.

"I do hope that this won't happen again to anyone.

“Below's an excerpt from the letter that was sent to the producer of the show last August 11:

“I appreciate that you found artistic inspiration from the original photos.

"Unfortunately, there is the inescapable consequence that legal and moral rights were violated here.

"And as you may very well be aware of, established industry practice is against such act as it amounts to disrespect.

"Worst of all, as a father and husband, I cannot help but feel offended and deeply hurt by such actions, which happened not just once, but twice.

"Basic rules of courtesy in this case dictate that you first secure permission from the photographer and my Family.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga nasa likod ng Ang Probinsyano kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN