Young JV denies third party in breakup with Miho Nishida

IMAGE Rose Garcia

Young JV is still hurting from his recent breakup with actress Miho Nishida. That's why he's not yet ready to get back to the dating scene. "Wala po, bugbog na bugbog ako," saad niya. "Emotionally, I don't wanna go through it muna. Mas okey na maging single na muna."


Sa unang pagkakataon ay nagsalita ang singer-actor na si Young JV tungkol sa breakup nila ni Miho Nishida pagkatapos ng halos sampung buwang relasyon.

Ang unang tanong: bakit sila nag-break?

Sagot niya, “Bakit kami nag-break? More on, it was a decision that we had to make po.”

Mutual decision ba ang kanilang paghihiwalay?

“Well, for me po, hanggang ngayon naman mahal ko pa rin siya.

"She’s just undergoing something, which I respect.

"Gusto ko rin naman na maging happy siya and I respect naman po kung ano ang gusto niyang gawin with her life."

Hindi naman masagot nang diretso ni Young JV kung sino ang nag-initiate ng breakup nila.

Aniya, “Ayoko namang sabihin yun… parang gentleman-like not to say kung sino.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Young JV sa ginanap na Sister’s Day ng iniendorso niyang Megasoft Hygienic Products, sa Starmall Alabang, noong Linggo, August 12.

NO THIRD PARTY

Kumalat din ang naging post ng ina ni Young JV sa social media.

Dito lumabas na nakipag-break si Miho sa kanya sa pamamagitan lang ng text message dahil hindi na ito masaya.


Stories We Are Tracking

Miho, Young JV break up via text; did she cheat on him?
Miho, Young JV break up via text; did she cheat on him?
Miho posts angry tweet amid Young JV cheating allegation
Miho posts angry tweet amid Young JV cheating allegation

Paliwanag ni Young JV, “Ang nanay ko naman kasi, bilang nanay, nagka-Instagram lang, nag-comment-comment na sa mga fans. Nakikipag-away na. 

“Siyempe bilang nanay, worried lang naman siya sa akin.

"Sabi ko naman, 'Ma, huwag mo nang patulan para hindi na lalaki ang issue.'"

Pero totoo nga bang sa text lang idinaan ni Miho ang pakikipag-break sa kanya?

“No comment ako sa ipinost ng mommy ko,” pag-iwas ni JV.

May lumabas din tungkol sa breakup nila na diumano’y may third party sa parte niya.

“Ay, yun, wala po, wala po talaga. At alam niya rin yun,” diin ng singer-actor.

“Nandito po kami sa stage na she needs to be happy for herself muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung anuman yung pinagdadaanan niya siguro, nandito naman ako to support.

“Sabi ko sa kanya, regardless, good friends kami. We’re talking, okey kami.

"Hindi naman mawawala yun at alam niya yun."

Tiniyak din ni Young JV na wala siyang nililigawan ngayon o bagong malapit na babae sa kanya.

Aniya, “Wala po, bugbog na bugbog ako.

“Emotionally, I don’t wanna go through it muna. Mas okey na maging single na muna.”

Mas gusto raw niyang mag-focus sa paggawa ng kanta. May kari-release lang din siyang bagong single sa digital, ang “Bad For Me.”

Bukod dito, busy rin siya bilang endorser ng Megasoft.

Sabi nga ni Young JV sa pagiging endorser niya, “Sobrang nakakataba ng puso at pressured.

"Pero at the same time, nakakagana na magtrabaho, gumawa ng kanta.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN