Julia Barretto reveals Joshua Garcia secretly called Alice Dixson "my girlfriend"

IMAGE Noel Orsal

Alice Dixson's reaction to Joshua Garcia having a crush on her: "That's sweet. Don't be embarrassed."


Ibinuking ni Julia Barretto na crush ng boyfriend niyang si Joshua Garcia si Alice Dixson sa harap mismo ng beauty queen-turned-actress.  

Ito ay matapos ilarawan ni Alice na tahimik lang si Joshua kapag may mga eksena sila bilang mag-ina sa ABS-CBN prime time series na Ngayon At Kailanman.

Bungad ni Alice patungkol kay Joshua, “So far, Josh has been quite quiet sa akin. I don’t know. Medyo naiilang yata.”

Singit ni Julia, “I know why!”

Sa puntong ito ay sinenyasan ni Joshua si Julia na huwag ibunyag ang kanyang sikreto.


Makikitang nahihiya at medyo natitigilan pa si Joshua, 20, nang siya naman ang tanungin kung ano ang impression niya kay Alice, 49.

Nakangiting pag-amin ni Joshua, “Hindi… Ako… Uhm… Gusto ko yung vibe ni Ma’am. Kasi masiyahin lang siya, e. Ta's cute siya pag nagsasalita.”

Maging ang press ay nakisali na rin sa tuksuhan nang diretsahang tanungin si Joshua kung crush niya ba si Alice, sa ginanap na media launch ng Ngayon At Kailanman, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN sa Quezon City, Lunes ng hapon, August 13.

Dalawang beses pang nagpaalam si Julia kay Joshua bago tuluyang ibinuking ang binata sa paghanga nito kay Alice.

Kuwento ni Julia, “May isang taping day, na-pack up ako, pauwi na ako. May isang eksena pa siya.

"Nag-text siya sa akin, ‘Pack up na. I just finished a scene with my girlfriend.’  Wala naman girlfriend sa story.

"Sabi ko, ‘Girlfriend?! Sinong girlfriend? Oh, si Ms. Alice.’ My god!"


Speechless at makikitang nahihiya si Joshua na katabi si Alice sa kanilang kinauupan sa stage ng Dolphy Theater.

Kaya dagdag na paliwanag ni Julia, “Josh is so kinikilig because he’s so very appreciative kay Ms. Alice.

"Nung nalaman pa lang niya na magiging mom niya, kinikilig na siya."

Napangiti naman si Alice at sinabi kay Joshua, “That’s sweet. Don’t be embarrassed.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang panunukso naman ni Julia kay Joshua, “So that’s gonna break the ice! You guys are gonna be so close!”  



ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN