Ryle Santiago comments on Ronnie Alonte being linked to Vice Ganda: "Siguro may mga naiinggit."

IMAGE Noel Orsal

Ryle Santiago attests that his co-Hashtags member Ronnie Alonte and comedian Vice Ganda are just friends. Ronnie and Vice were once linked because of their closeness. Ryle said, "People siguro are just giving that negative ano, kasi siyempre bago si Ronnie and medyo siguro may mga naiinggit. So siguro may nasasabing ganun sa kanya. Pero ako, sa nakikita ko, parang hindi naman."


Miyembro si Ryle Santiago, 19, ng all-male dance group na Hashtags, na regular na napapanood sa Kapamilya noontime show na It's Showtime.

Sa mga miyembro ng grupo, isa si Ryle sa hindi nali-link sa isa sa main hosts ng programa na si Vice Ganda.

Ang iba ay nauugnay ang mga pangalan sa comedian/TV host/entrepreneur.

Dahil ba hindi siya sumasama kapag may gimik o lakad ang mga ito?

Ayon kay Ryle, “Well, hindi kasi ako magimik. Pero okay kami ni Vice, friends kami.”

Pero never na-link si Ryle sa komedyante.

Paliwanag niya, “Oo, hindi kasi ako sumasama sa paggimik.

"Alam naman ng mga Hashtags iyan. Hindi ako magimik na tao, taong-bahay ako, e.

“So pagka for example, yung pinakagimik namin ng Hashtags, siguro movie, or kakain lang kami sa labas, ganun lang.”

Mabuti naman at hindi negative ang dating niya at okay lang sa co-members niya ng Hashtags na ganun si Ryle, na hindi siya palasama sa mga ito sa gimikan?

“I think naman nung una, they took it negatively, nung una yata.

"Pero naintindihan naman nila na ganun lang talaga akong klase ng tao, na hindi talaga ako ganun.

“Pero yung lubos na pagmamahal ko, ibinibigay ko sa kanila, so I guess alam na nila by now na ganun lang talaga ako.”

NOT SOMETHING NEW

Ang ibang Hashtags, in interviews with some of them, nakukuwento na tumatambay sila sa mismong bahay ni Vice. Si Ryle?

“Dumadalaw ako, oo. 'Tapos as much as possible, kunwari, nandun sila, nandun din ako, pag nata-timing-an kong sabay ko pumasok.

"Pero yung out of nowhere, ako lang? Nahihiya din kasi ako.”

Hindi naman daw ito dahil sa may conscious effort siya na umiwas ma-link kay Vice.

“Hindi naman! Nahihiya lang ako minsan pumunta.

"For example, kung pupunta ako, magha-hi ako, kailangan may kasama  ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kunwari bababa sila [ng sasakyan], naririnig ko, ‘Uy, sama ako, magha-hi din ako!’”

Ano ang reaksyon niya sa pagkaka-link ng ibang Hashtags members, gaya nina Ronnie Alonte at Zeus Collins, kay Vice?

“Well ako, ayoko naman talaga bigyan ng negative na meaning to it, di ba?

"Kasi, madami akong kaibigan na bading, madami akong kaibigan na tomboy, madami akong kaibigan sa LGBTQ+ na walang malisya, sobrang walang malisya lang.

“As long as alam mong... alam mo kung ano ka, okay ka lang.

"I don’t ano naman e, hindi naman ako nagmamasama ng mga ganun.

"Kasi I grew up with that, e, mga… Siyempre si Mama [Sherilyn Reyes] showbiz, so ang dami kong kaibigan na tito, na tita. Ang dami, e, ang dami!

“It’s not something new to me, it’s not something that I’m parang afraid of? Hindi ako nandidiri sa ganun.

“Kasi yung ibang tao, di ba, sobrang makapanglait, sobrang makapanghusga.”

Ano ang comment niya sa pagkaka-link nina Ronnie at Vice?

“Wala, friends lang, naging good friends.

"Di ba, si DJ naman at si Vice okay din naman, si DJ, Daniel [Padilla]?

“Sina Kuya Vhong [Navarro] at sina Vice, okay naman sila, pero wala namang sinasabing ano.

"So, I think it’s the same thing.

“People siguro are just giving that negative ano, kasi siyempre bago si Ronnie and medyo siguro may mga naiinggit.

"So siguro may nasasabing ganun sa kanya.

"Pero ako, sa nakikita ko, parang hindi naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryle nitong Linggo, August 12, sa Activity Center ng StarMall sa Alabang City para sa Sisters Day event ng Megasoft Hygienic Products, Inc. kung saan brand ambassadors sina Ryle, Young JV, Aljun Cayawan, at Myrtle Sarrosa.

SEXIER IMAGE

“Unti-unti, yes!” natatawang sambit ni Ryle sa sinabi naming nagpapaseksi na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mall shows at maging sa It’s Showtime ay nagpapakita na naman daw siya ng skin.

Sa isang song-and-dance number nga ni Ryle sa Sisters Day event ay itinaas niya ang suot niyang T-shirt at ipinakita ang kanyang abs at pusod.

“Dati nga lahat nga, e, ipinapakita ko lahat, e!” at muling tumawa si Ryle.

“Pero siyempre ngayon na nagta-transition na ako from awkward stage to medyo teen years, siguro mas gusto ko yung unti-unti, para hindi naman yung nakita na, ‘Ay, wala na, wala nang thrill!’”

Malaki na rin ang katawan ni Ryle ngayon kumpara dati.

“Nagpapalaki po ako, tine-train ako minsan ni Daddy [stepfather Chris Tan] or minsan ni Aljur, tine-train niya ako pag nagwu-workout po kami ng sabay.”

Tulad ni Ryle ay Kapamilya star din si Aljur Abrenica na kilalang fitness buff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN