Winwyn Marquez answers bashers saying she's a bad influence on Mark Herras

IMAGE Noel Orsal

Winwyn Marquez is hounded by negative remarks when it comes to her relationship with Kapuso actor Mark Herras. One issue is that she is allegedly a bad influence on Mark. The beauty queen hits back, "Siguro kung bad influence ako, e, di hindi ganyan ang life niya ngayon. Siguro, walang nagsasabi sa kanya na ang ganda na ng takbo ng life niya ngayon."


Nagtataka si Winwyn Marquez, 26, sa isyung bad influence diumano siya sa boyfriend na si Mark Herras, 31.

Ilang entertainment writers nga ang nagsabing tina-tag sila sa Instagram ng kung anu-anong kuwento tungkol sa reigning Reina Hispanoamericana.

Saad ng actress-beauty queen tungkol dito, “Siguro kung bad influence ako, e, di hindi ganyan ang life niya ngayon.

"Siguro walang nagsasabi sa kanya na ang ganda na ng takbo ng life niya ngayon.

“I mean, kayo mismo ang makakapagsabi.

“I don’t know where it's coming from.”

Patuloy ni Winwyn, “Maybe they’re insecure with their life or they’re insecure because we’re really happy. And, you know, we’re together.

“Kung napapansin niyo, hindi rin ako masyadong nagpu-post sa Instagram kasi we’re trying to lie-low nang konti.

"So, kung may nagta-tag man ng ganun sa inyo, siguro wala lang silang magawa."

Nakita raw ni Winwyn ang malaking pagbabago ni Mark kumpara noong magkaibigan pa lamang sila. 

“Even our friends, nakita kung paano siya nag-iba.

"He’s more serious in life. He knows what he wants na.

"Yung future na niya ang iniisip niya, hindi na siya yung happy-go-lucky.

“Sa akin naman, halatang seryoso naman siyang talaga.

“Yung mga nagta-tag, hindi ko talaga alam kung saan sila nanggagaling.

"Siguro iyan yung mga tao na hindi na lang pinapansin ni Mark dahil bad influence sila."

Pagdating sa relasyon ni Mark sa anak nito, hindi raw siya nakikialam.

“I have no ano kasi... hindi kasi ako nakikialam. It’s his personal thing with his daughter.

"And hindi ako parte ng life niyang yun.

“Siguro, the best way is to ask Mark talaga.”

Isa sa tila ibinabatong isyu kay Winwyn ay pinipigilan niya diumano si Mark na makasama o maging malapit sa anak nito.

“Naku, si Mark na lang po ang kausapin niyo!

“Iyan nga pong mga taong iyan, baka iyan yung mga taong hindi na kinakausap ni Mark dahil bad influence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka sila yun!” natatawang sabi niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa press conference ng pelikulang Unli Life noong nakaraang linggo.

ON GETTING MARRIED

Kung ang ama ni Winwyn na si Joey Marquez ang tatanungin, ayaw pa raw nitong mag-asawa si Winwyn.

Paano kapag niyaya na siyang magpakasal ni Mark?

“Ayoko pa rin namang mag-asawa,” paglilinaw ng dalaga.

“At saka, hindi pa rin naman namin napag-uusapan ni Mark na mag-asawa anytime soon.

"Sinabi rin naman niya sa akin na he’s willing to wait and we’re both happy naman sa relationship namin ngayon.

“Obvious naman yata na masaya talaga kami, wala namang problema.

“In time, in time siguro… ngayon lang din ako nagkakaroon ng ganitong opportunities.”

Pero sa kanilang dalawa, mukhang si Mark ang mas gusto ng magpakasal kung sakali.

“Siyempre, nasa edad na rin naman si Mark,” pagsang-ayon ni Winwyn.

“Ako rin naman, siyempre gusto ko si Mark na ang mapapangasawa ko, di ba?

“Kung sino ang boyfriend mo, yun na rin naman ang gusto mo.”

Sabi rin ni Winwyn, gusto muna nilang makaipon pa.

“Siguro kailangan din muna naming mag-ipon.

"Ayaw rin naman naming pumasok sa relationship na hindi kami handa financially.

"Sabi nga ng dad ko, it’s not all about love, it’s more than that."

Kung sakali man magpapakasal siya, gusto raw ni Winwyn kapag natapos na ang kontrata niya sa GMA-7 at bago siya mag-30 years old.

“So mga three to four years, pero siyempre depende rin kapag nandiyan na ang three to four years, di ba? We wouldn’t know.”

FIRST MOVIE WITH HER FATHER

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama sa isang proyekto ang mag-amang sina Joey at Winwyn Marquez.

Ito ay sa pamamagitan ng pelikulang Unli Life, entry ng Regal Films sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na magsisimula ngayong August 15.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, at first full-length movie ko rin. Dito, first leading lady and first major [role],” masayang sabi ni Winwyn.

“Sobrang overwhelmed. Parang hindi ako makapaniwala na nandoon yung pangalan ko sa poster, 'tapos nandun pa yung picture ko.

"Sabi ko nga, ipapa-frame ko iyan.

“Ibang experience talaga and, at the same time, kinakabahan ako na mapanood ang sarili ko on the big screen. Pero, very thankful.”

Comedy-adventure ang tema ng Unli Life. 

Natatawa si Winwyn na dahil kasama niya ang kanyang ama na kilalang komedyante, hindi raw niya masasabi kung magaling din siyang komedyante. 

“Hindi ko masasabi kung magaling ako o hindi. Siguro kayo ang makakapagsabi nun kapag napanood niyo.

“Nag-enjoy na lang talaga ako. Lumabas na lang siguro yun.

“Kasi ang ginawa ko, hindi ako nakisabay sa komedyante.

"May sarili akong mundo na kapag pinanood mo, kahit seryoso ako, matatawa ka. So, parang ganun."

Si Winwyn ang leading lady ni Vhong Navarro. Pero hindi raw nila napag-usapan ang naging kaso nito laban kina Deniece Cornejo at Cedric Lee na kamakailan lang ay lumabas ang hatol na panig kay Vhong.

“No, e, hindi namin napag-usapan,” sabi niya.

“Kasi noong lumabas yung balita, tapos na [yung shooting], e.

"Pero when we were on the set, it was really positive, tawanan nang tawanan.

"Kapag kailangan ng tulong, nandiyan sa isa’t isa.

 “It was really a family na nabuo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN