Alex Gonzaga catches Robi Domingo with non-showbiz girl

IMAGE @cathygonzaga Instagram

Alex Gonzaga teases Robi Domingo upon seeing him with non-showbiz girl: "Caught in the act!"


Isinapubliko ni Alex Gonzaga ang kuha ni Robi Domingo kasama ang isang non-showbiz girl na tila espesyal sa buhay ng binata ngayon.

Sa kanyang Instagram Story kahapon, August 13, ibinahagi ni Alex ang video kung saan nakunan niya sa mall si Robi kasama ang isang non-showbiz girl.

Natatawang pambubuking ni Alex kay Robi, “Caught in the act! What is this?”

May kasama rin ang non-showbiz girl na isang female friend at parehong natatawa ang mga ito habang kinukunan sila ng video ni Alex.


Natiyempuhan ni Alex si Robi habang nagmu-malling ang actress-TV host at non-showbiz boyfriend nitong si Mikee Morada noong Linggo, August 12.  

Umakto pa si Robi na si Mikee ang kunyaring kasama niya sa mall.

Pero sabi ni Alex, “No, that’s my Mikee!”

Sa iksi ng video ay walang nasabi si Robi at natawa na lang sa sitwasyon.

Hindi rin naman pinangalanan ni Alex kung sino ang mystery girl na kasama ni Robi.


Isang taon at walong buwan na ang lumipas mula nang mauwi sa hiwalayan ang mahigit na apat na taong relasyon ni Robi kay Gretchen Ho.

Minsang naugnay si Robi kay Sandara Park, na itinurong third party diumano sa hiwalayang Robi at Gretchen.

Ngunit makailang-beses itong pinabulaanan ni Robi at sinabing magkaibigan lang talaga sila ni Sandara.


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN