Ang Probinsyano production team apologizes to Dingdong Dantes for photo gaffe

IMAGE Courtesy: @marianrivera on Instagram

FPJ's Ang Probinsyano assures Dingdong Dantes and his family that the show has no intention of disrespecting or offending his family. 


Humingi ng dispensa ang pamunuan ng FPJ’s Ang Probinsyano kay Dingdong Dantes at sa pamilya nito sa paggamit ng family photos ng Kapuso actor nang walang pahintulot.

Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa ABS-CBN ngayong Martes ng hapon, August 14, nilinaw nilang wala silang masamang intensiyon sa paggamit ng mga larawan ng pamilya ni Dingdong.

May third-party contractor daw ang show na binabayaran upang mag-handle sa lahat ng props ng palabas.

Hindi raw alam ng management na ang mga larawang ginamit sa dalawang episodes ay mula sa kasal nina Dingdong at Marian Rivera at sa binyag ng anak nilang si Maria Letizia Dantes.

Narito ang buong pahayag ng FPJ’s Ang Probinsyano:

FPJ's Ang Probinsyano apologizes to Dingdong Dantes and his family and assures that there was no intent to disrespect or offend him and his family in the use of their photos in the program.

“The production team commissioned a third-party contractor to create the photo props used in the program.

"It was not aware that the original of the photographs used were those from Mr. Dantes’ wedding and the baptism of his daughter.

“The program is conducting further investigation to prevent a similar incident from happening in the future.”

Matatandaang isang sulat ang ipinadala ni Dingdong sa FPJ's Ang Probinsyano production noong August 11.

Ibinahagi rin ito ng Kapuso Primetime King sa kanyang Facebook account kahapon, August 13.

Pinuna ni Dingdong ang paggamit ng kanilang mga larawan sa dalawang episodes ng show nang walang paalam.

Una na rito sa November 9, 2017 episode kung saan may ipinakitang larawan sina Joko Diaz at Mickey Ferriols na may hawak na isang baby.

Natuklasan ng DongYanatics, ang fans club nina Dingdong at Marian, na ang original photo ay kuha sa binyag ng anak nina Dingdong at Marian na si Zia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinalitan ang mga mukha ng Kapuso couple, ngunit hindi pinalitan ang mukha ni Zia.

Pangalawa, sa August 8, 2018 episode ng teleserye, kung saan makikita si Alice Dixson (bilang Catherine Cabrera) na nakaupo sa tabi ng frame ng wedding photo nila ni Edu Manzano (bilang Vice President Lucas Cabrera).

Sabi ng DongYanatics, ang original photo ay kuha sa kasal nina Dingdong at Marian Rivera noong December 30, 2015.

Ngunit pinalitan ito ng mga mukha nina Edu at Alice.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Alice kay Dingdong.

Sinabi ng aktres na wala siyang alam na ang ginamit na wedding photo nila ni Edu ay kina Dingdong at Marian pala.


Stories We Are Tracking

Dingdong calls out <em>Probinsyano</em> over photoshopped images
Dingdong calls out Probinsyano over photoshopped images
Alice Dixson apologizes to Dingdong Dantes for photo fiasco
Alice Dixson apologizes to Dingdong Dantes for photo fiasco


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN