Julia Barretto says mom Marjorie has forgiven Joshua Garcia

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto on Joshua Garcia being seloso: "Feel ko, in general, we all just want assurance, that we're appreciated. Na tayo lang, na ako lang, ganun si Josh. Palaging magtatanong iyan, 'Ako lang? Ako lang?'"


Sa guest appearance nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa August 12 episode ng Gandang Gabi Vice (GGV), may isang bahagi kung saan ipinakita ang picture ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto, at hinayaan ni Vice ang dalawa na sabihin ang gusto nilang itanong dito.

Ayon kay Joshua, ang gusto niyang itanong sa ina ng girlfriend ay kung ano kaya ang sikreto ni Marjorie kung paano maging isang mabuting ina para may ideya siya kapag nagkaroon na siya ng sariling anak.

Para naman kay Julia, ang gusto niyang itanong sa ina ay kung napatawad na ba nito si Joshua sa pagkakamali na nagawa nito noon sa kanya.

Sinabi man ni Julia na joke lang ito ay lumikha ito ng tuksuhan sa loob ng studio.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Julia sa grand press conference ng Ngayon at Kailanman na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound, Quezon City, noong Lunes, August 13.

Dito ay sinigurado ni Julia sa press na matagal nang napatawad ng ina si Joshua.

Aniya, "Joke lang yun. Of course naman, my mom has the best heart.

"For me she has the kindest soul and the best heart, she's very forgiving. Who are we not to forgive?

"Ang Diyos nga pinapatawad tayong lahat, nakakahiya naman sa Diyos."

Sang-ayon din ang young actress na ang pinagdaanan nilang problema noon ni Joshua ay lalong nagpatatag sa relasyon nila ngayon.

"Actually, it's true na every time na you go through certain trials, it really makes people stronger."

Dagdag ni Julia, "Ang puno't dulo ay miscommunication.

"Pero, di ba, iyan ang sinasabi nila in a relationship, in a partnership, it's very important ang communication.

"Para you meet halfway, para nagkakaintindihan, hindi nagkakagulo.

"Nagkakaroon ng miscommunication pag hindi nyo pinag-uusapan. Iba ang maiisip mo, dadalhin mo yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXCESSIVE PDA?

Sa nasabing GGV guesting ng dalawa ay tinanong din ni Julia sa larawan ng ina ang tungkol sa pagpapaalala sa kanila nito tungkol sa public display of affection (PDA) nila ni Joshua.

Sabi ni Julia, "I respect naman what they say, especially my mom. Sasabihin ko talaga, 'Okay Mommy.'

"Siyempre perspective yun ng isang nanay, perspective ng isang tao na nakakakita ng nangyayari.

"We really have to respect that also kasi that's her view, kasi baka sobra na nga minsan. Pero ano, di mapigilan, e."

Sa itinatakbo ng relasyon ngayon nina Joshua at Julia, sino sa kanila ang seloso o selosa?

Ani Julia, "Joshua siyempre. Minsan hindi ko na alam kung paano, siguro he just needs to hear assurance.

"I think that's what all we want, not even in terms of love lang. 

"Feel ko, in general, we all just want assurance, that we're appreciated.

"Na tayo lang, na ako lang, ganun si Josh. Palaging magtatanong iyan, 'Ako lang? Ako lang?'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN