Masaya ang Kapamilya actress na si Cherry Pie Picache na makakatrabaho niya sa unang pagkakataon ang Kapuso star na si Maine Mendoza.
Kasama ang dalawa sa cast ng upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 official entry na Jack Em Poy: The Pulis Incredibles, na pagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin.
Hindi ito ang unang beses na makakatrabaho ni Cherry Pie sina Coco at Bossing Vic, pero first time niyang makakatrabaho si Maine.
“I’ve worked with Coco all the time.
"With Maine, actually, first time ko siyang nakilala. Very quiet. Tahimik.
"So, hindi mo maisip na siya pala yung pinapanood," paglalarawan niya kay Maine, na kadalasan ay kalog kapag napapanood.
Hindi raw sila nagkaroon ng matagal na pag-uusap ni Maine noong story conference ng Jack Em Poy, pero maganda naman daw ang karanasan niya sa Eat Bulaga! host.
“I haven’t really had a chance to get to talk to her, pero with the little time that we had, during the storycon, it was very pleasant.
"She was a very pleasant lady."
Masaya rin daw si Cherry Pie na malamang makakatrabaho niya sina Vic at Coco.
“I was very grateful. I’ll be working with people you love to work with talaga. Grateful lang,” sambit niya.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cherry Pie sa presscon ng finale ng ABS-CBN drama series na The Blood Sisters noong Lunes, August 13.
NO COMPETITION
Tinanong din si Cherry Pie tungkol sa pakikipagbanggan ng kanilang pelikula sa pelikula ng kapwa niya Kapamilya star na si Vice Ganda sa MMFF 2018.
Si Vice ang bida sa Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya.
Ngayon pa lamang ay matinding pagtatapat na ang ginagawa sa pelikula nina Vic at Coco sa pelikula ni Vice.
Pahayag ni Cherry Pie, “I’m sure it’s all positive, constructive competition.
"It’s a very good time of the year, Metro Manila Film Fest, it’s a very good opportunity to show all the Filipino films.
"So we all pray that they all make it good.
“Naniniwala ako na ang intensiyon lang ng bawat pelikula sa Metro Manila Film Fest, of course, bukod sa kumita, is mapasaya lang talaga ang mga tao.”