Julia Barretto not choosing between aunts Claudine and Gretchen

IMAGE Noel Orsal

Julia Barretto on becoming the person that she is today: "Before ako nakarating sa kinatatayuan ko, before I even met Joshua, I was destined to meet the negatives of my life. And I feel like it was destiny for me to experience that kind of hardship, that kind of pain because it made me the person that I am today."


Nilinaw ni Julia Barretto na pantay ang pagmamahal niya para sa kanyang mga tiyahin na sina Claudine at Gretchen Barretto.

Ito ay matapos tanungin si Julia kung sino sa kanyang dalawang tiyahin ang mas gusto niya.

“I love them both equally. Very, very equally.

“They took care of me growing up also, so I can’t choose.”

Aminado si Julia na hindi maiwasang maikumpara siya sa mga kaanak na nauna sa kanya sa showbiz.

Nagkomento rin siya sa opinyon ng iba na “younger version” siya ng kanyang Tita Claudine pagdating sa pag-arte.

Sabi ng anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla ukol dito, “It’s very flattering to receive such a compliment.

“At the same time, of course, I grew up in the shadows of my titas, my mom, my dad.

“Pero I only hope that someday I will be able to make a name for myself, and I will be recognized for my work and not my last name.”

Inihayag ito ni Julia sa presscon proper ng pinagbibidahang ABS-CBN prime time series na Ngayon at Kailanman, na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, Quezon City, Lunes ng hapon, August 13.

ON OVERCOMING HARDSHIPS

Dito ay hindi itinago ni Julia na marami siyang pinagdaanang lungkot sa kanyang personal na buhay at trabaho bago niya nakamit ang sayang nararanasan niya ngayon.

Sabi ni Julia sa usaping dalawa ang mukha ng tadhana, “It’s true, there are two faces, there's a negative, there's a positive.

“Before ako nakarating sa kinatatayuan ko, before I even met Joshua, I was destined to meet the negatives of my life.

“Hindi madali yung napagdaanan ko before bago ako makatayo sa kinatatayuan ko.

“And I feel like it was destiny for me to experience that kind of hardship, that kind of pain because it made me the person that I am today.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Laking-pasasalamat ni Julia dahil nasa estado siya ng kanyang buhay na masaya, hindi lang ang kanyang buhay pag-ibig dahil sa boyfriend niyang si Joshua Garcia.

Maayos din ang relasyon ni Julia sa mga magulang na sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. 

Sunud-sunod din daw ang biyayang natatanggap niya sa trabaho.

“The person that I am today, I believe that I gained so much knowledge from it.

"Mas lumawak ang thinking ko pagdating sa life, sa love, sa  pain, sa work.

“I feel like that's the negative that I was destined to experience. This is the positive.

“So, it  gets worse, before it gets better.

“It leads us to somewhere good. Actually, that’s God na.”


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN