Comedian Super Tekla devastated over breakup with bisexual girlfriend

IMAGE Noel Orsal

Comedian Super Tekla on breakup with non-showbiz girlfriend: "Hindi na siya katulad nang dati. Ang hirap i-let go at doon ako naiinis sa sarili ko. Ang number one weakness ko, nalulumpo ako pagdating sa love, lalo na kapag attached ako sa isang tao. Nawawalan ako ng gana na magtrabaho pero iniuuntog ko ang sarili ko na you have to do this."


May pinagdaraanan ngayon ang comedian na si Super Tekla.

Nakumpirma ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang magkuwento siya tungkol sa dahilan ng kanyang pinigilang pag-iyak sa presscon ng GMA-7 prime-time series na Inday Will Always Love You ngayong Huwebes, August 16.

Deeply affected si Super Tekla sa pakikipaghiwalay niya sa kanyang 24-year-old girlfriend kaya nahihirapan siyang mag-move on.

Lingid sa kaalaman ng marami, tunay na lalaki si Super Tekla—Romeo Librada sa tunay na buhay.

Mayroon din siyang isang anak na babae mula sa dating karelasyon.

Minsan na siyang nagduda sa kanyang sexual orientation, pero nanaig pa rin ang attraction niya sa mga miyembro ng opposite sex.

Tumagal ng limang taon ang pagsasama ni Super Tekla at ng girlfriend nito.

Ayon kay Super Tekla, nagbago na ang pakikitungo ng karelasyon niya.

"Hindi na siya katulad nang dati. Ang hirap i-let go at doon ako naiinis sa sarili ko.

"Ang number one weakness ko, nalulumpo ako pagdating sa love, lalo na kapag attached ako sa isang tao.

"Nawawalan ako ng gana na magtrabaho pero iniuuntog ko ang sarili ko na you have to do this," saad niya.

Magkasama silang namuhay sa isang condominium unit hanggang magdesisyon siyang makipaghiwalay, dalawang linggo na ang nakararaan.

"Nasa condo ko pa rin siya pero casual na lang.

"Sabi ko, tama na, hindi na magwo-work. Hindi siya umaalis, ako na lang ang aalis," himutok ni Super Tekla.

Inamin ng Kapuso comedian na bisexual ang girlfriend niya.

"Bisexual siya. Lesbiyana siya. Sobrang opposite ang relasyon namin.

"Devastated ako kapag nag-aaway kami. Nagbabasag siya ng mga gamit.

"Saka nananakit siya. Siyempre kapag nasaktan ako, doon ako nati-trigger."

Patuloy ni Super Tekla, "Nang mag-usap kami, ang gusto niyang mangyari, kahit wala na kami, suportahan ko pa rin siya. Ano yun?

"Dini-direct na niya ang buhay ko?

"May mga banta siya na sisiraan ako, sanay na ako diyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa si Super Tekla na matatapos na ang problema nila ng kanyang ex-girlfriend sa lalong madaling panahon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN