Sharon Cuneta recalls how love story with Richard Gomez began in 1989

IMAGE @reallysharoncuneta Instagram / April28 forever Youtube (CTTO)

Sharon Cuneta on reminiscing kilig days with ex-boyfriend Richard Gomez: "Yes nakikita ko car nya sa EDSA from my condo's window kahit nag-uusap pa kami sa cell (bagong uso pa cellphones noon) he would blink his hazard lights all the way til di ko na sya makita. Tapos tatawag pa pag-uwi para mag-goodnight. Nakakatawa naaalala ko lahat kasi pinapaalala nyo rin! Hahahahahaha!"


Masayang binalikan ni Sharon Cuneta, 52, kung paano sila naging magkasintahan ni Richard Gomez, 52, noong mga huling buwan ng 1989.

Hinintay raw muna ni Richard na matapos ang pelikula nilang Kahit Wala Ka Na bago nalaman ni Sharon na may gusto ito sa kanya.

Tandang-tanda rin ni Sharon na premiere night ng pelikula niyang Babangon Ako At Dudurugin Kita nang una siyang makatanggap ng tawag mula kay Richard, na noon ay nasa Australia.

Mula noon ay pormal daw siyang niligawan ni Richard.


Sa kanyang Instagram post kagabi, August 16, ibinahagi ni Sharon ang video clip ng guest appearance ni Richard sa musical-variety show ng Megastar na The Sharon Cuneta Show (TSCS), kung saan totohanan na raw ang kilig sa pagitan nila.

“This was our first appearance together na since he started calling and visiting me na!

“Siempre walang alam ang public.

“Kaya ganyan ang reaction ko! May nagaganap na kasi.

“After this song and end of this show was the first time he asked me out.

"Naks! Dinner. But with my best friend Anna Zo pa! Hahahahahaha! Makasaysayan.”

Ang suot ni Richard na sweater ay ibinigay nito sa kanya noong magkarelasyon na sila.

“Later when he was my boyfriend na, nasa akin na yung shirt nya na yan, which I put inside his pillowcase with his pillow and every night nilalagyan ng pabango niya. Mga bagets hahahahaha!

“Years later sa bahay ng Mommy ko where my boxed things were, nakita ko suot na ng isang malayong kamag-anak namin na nagtatrabaho kay Mommy noon.

“Eh dami nang nawawalang kahon ko. Ayan. Nanenok na pala. Di ako kumibo kasi baka makapatay ako dami itak ni Mama eh. Hahahaha!”

Pagbabalik-tanaw pa ni Sharon, “I remember RG made me pagawa pa a shirt sa Bench that said ‘The Bench Man’s Mrs.’

“Awa ng Dios nahihiya ako idisplay kahit suot ko nakajacket ako noon. Hahahahahaha! Time flies. Nakakatawa pag bata kayo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wow! Now puede na ikwento. This was our first appearance together na since he started calling and visiting me na! Siempre walang alam ang public. Kaya ganyan ang reaction ko! May nagaganap na kasi. After this song and end of this show was the first time he asked me out. Naks! Dinner. But with my best friend Anna Zo pa! Hahahahahaha! Makasaysayan. Later when he was my boyfriend na, nasa akin na yung shirt nya na yan, which I put inside his pillowcase with his pillow and every night nilalagyan ng pabango niya. Mga bagets hahahahaha! Years later sa bahay ng Mommy ko where my boxed things were, nakita ko suot na ng isang malayong kamag-anak namin na nagtatrabaho kay Mommy noon. Eh dami nang nawawalang kahon ko. Ayan. Nanenok na pala. Di ako kumibo kasi baka makapatay ako dami itak ni Mama eh. Hahahaha! I remember RG made me pagawa pa a shirt sa Bench that said “The Bench Man’s Mrs.” Awa ng Dios nahihiya ako idisplay kahit suot ko nakajacket ako noon. Hahahahahaha! Time flies. Nakakatawa pag bata kayo.

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

DATE NIGHTS

Sa pakikipagpalitan niya ng comments sa ilang Instagram followers, ikinuwento ni Sharon na pagkatapos ng TSCS tuwing Linggo ang date night nila Richard.

Madalas daw siya nitong sunduin sa studio ng TSCS at saka sila kakain sa labas.

Ani Sharon, "Oo sagrado sa amin ang Sunday nights noon. Walang puwede sumingit kasi 'that’s Sharon’s Day' daw."


Paborito raw nilang dating place noon ang park bandang Greenbelt, Makati City.

“Hahahahahahaha oo kasi konti na lang tao may chapel pa doon. Gusto lang namin maexperience maglakad sa greenbelt park like regular people!"

At madalas ay hindi sapat ang oras kapag sila ang magkasama.

“Yes nakikita ko car nya sa EDSA from my condo’s window kahit nag-uusap pa kami sa cell (bagong uso pa cellphones noon) he would blink his hazard lights all the way til di ko na sya makita.

“Tapos tatawag pa pag-uwi para mag-goodnight.

“Nakakatawa naaalala ko lahat kasi pinapaalala nyo rin! Hahahahahaha!”


SHARON: NO MALICE, JUST FOR FUN

Bagamat marami sa mga tagahanga ni Sharon ang natutuwa sa personal niyang kuwento tungkol sa nakaraan nila ni Richard, may ilang netizens ang nagsabing hindi magandang pag-usapan pa ito dahil pareho nang may kani-kaniyang asawa ang dalawa.

Nilinaw naman ni Sharon na wala siyang masamang intensiyon sa pag-alala ng love story nila ni Richard, at malaki ang respeto niya sa misis nitong si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez.

Paliwanag ni Sharon sa mga nambabatikos sa kanya: "This was almost 30 years ago. We have a movie coming and it’s part of reminding people of how we became a loveteam, and introducing ourselves to Millenials who know us only as 'veteran actors.'

"There is nothing new or 'shocking' about what we HAD.

"He is now a Mayor married to a beautiful Congresswoman, and I am still just me now married to a Senator.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hardly think our past love story and photos and movies of almost 3 decades ago can affect any of us negatively.

"People really should just take things at face value and for what they are - mga nakakatuwang pagkuwentuhan at balikan paminsan-minsan.

"Gaya ng ginagawa ng LAHAT ng regular na tao. Most of all, these are for all Sharon-Richard fans who have waited 15 years for us to do another movie."


Mismong ang mister daw niyang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan ay hindi ito binibigyan ng malisya.

Alam daw nitong trabaho lang at walang personalan ang balik-tambalan nina Sharon at Richard sa isang pelikula, inanunsiyo ng Star Cinema kamakailan.

"He understands it is for the movie. Plain and simple." 


SHARON'S EXES

Minsan nang inamin ni Sharon na si Richard ang isa sa dalawang "R" na itinuturing niyang "great love."

On-and-off daw ang kanilang relasyon noon at sila lang ang nakakaalam kung kailan tuluyang natuldukan ito.

Pahayag ni Sharon sa isa niyang Instagram post noong February 2018: "No one knows how long Richard and I actually lasted. or Robin and I. Both much longer than anyone thinks."


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son
Sharon Cuneta reveals broken engagement to tycoon's son


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN