Valerie Concepcion still on cloud nine after engagement to Francis Sunga

IMAGE Courtesy: @v_concepcion on Instagram

Valerie Concepcion on why it took her a month before posting engagement pictures with non-showbiz boyfriend Francis Sunga: "Ngayon ko lang na-post kasi parang ngayon lang nagsi-sink in na engaged na ako."


Feeling nasa heaven pa raw ang pakiramdam ngayon ni Valerie Concepcion dahil sa marriage proposal sa kanya ng non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga.

Ayon sa aktres, simple lang ang naging proposal ng nobyo noong July 11, 2018, ngunit ipinost niya ang picture ng kanyang engagement ring nito lamang Huwebes, August 16.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Valerie, sa pamamagitan ng direct messaging (DM) sa Instagram, ngayong Biyernes, August 17.

Dito ay inilahad ng 30-year-old actress ang nararamdaman ngayong engaged na siya.

“Ok naman po. Still on a high sobrang saya.

“Last month pa siya nag-propose actually, July 11.

"Ngayon ko lang na-post kasi parang ngayon lang nagsi-sink in na engaged na ako.

"Hindi pa din nga ako makapaniwala. Medyo OA [overacting], pero yun yung totoong nararamdaman ko.

“I’m still on a high because my hearts is overflowing with happiness.”

Kailan nila planong magpakasal ni Francis, na naka-based sa Guam?

Tugon ng Ika-5 Utos actress, “Ang hirap mag-plan na magkalayo, e. So, wala pang details.

“Pero so far, civil wedding pa lang ang napag-uusapan namin.

"Target namin this year sana, December.

"Pero US citizen po kasi siya, so may mga papers na kailangan muna asikasuhin.

“Hindi namin alam kailan kami maa-approve.

"So, if hindi aabot sa December, next year na lang.

“Pag-uusapan po namin yung sa church wedding kapag pumunta na lang siya dito ulit to visit me.”


Stories We Are Tracking

Valerie Concepcion now engaged to non-showbiz boyfriend
Valerie Concepcion now engaged to non-showbiz boyfriend

MR. RIGHT

Naramdaman daw ngayon ni Valerie na nahanap na niya ang kanyang Mr. Right.

Aniya, "Yes, super. And na-feel ko na po kahit nung umpisa pa lang naman na he's the one.

“Totoo pala yun. Mapi-feel mo talaga.

“Pero nasa connection and chemistry niyo talaga.

"Saka, I prayed really hard na sana mahanap ko na talaga yung meant for me.

“Kasi nakailang heartbreaks na din ako.

“Nagiging fragile na yung puso ko. Kaya nga sabi ko sa caption ko na 'answered prayer,' kasi ipinagdasal ko talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Valerie na caption ay ang bago niyang post sa Instagram ngayong araw.

Sabi niya sa kanyang post: “I still can’t believe that I am now engaged to the man that I prayed for. Definitely worth the wait.

"Another ‘finally’ this year. In God’s perfect timing. #ThankYouLord #BlessedBeyondBelief #Engaged #MyAnsweredPrayer.”

Dagdag pa ni Valerie, naiyak ang kanyang anak na si Fiona nang ikinuwento niyang nag-propose na for marriage ang boyfriend.

"Sabi niya na, ‘Finally.’ Super happy siya for me kaya naiyak siya.”


ABOUT THE AUTHOR

Lead Correspondent, Top Story Man '12, Stringer of the Year '13, Top Contributor '14, Staff Reporter of the Year '15-'16 @arnielcserato (Twitter/Instagram)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN