Jake Cuenca admits hidden crush on Erich Gonzales: "Matagal na!"

IMAGE Noel Orsal

Jake Cuenca reveals asking ABS-CBN to be part of The Blood Sisters because he wanted to work with its lead star, Erich Gonzales. He got his wish, and here was what happened: "I think first time lang ako nagkontrabida na naawa ako sa bida."


Nalaman lang ng publiko na may tinatago palang paghanga si Jake Cuenca kay Erich Gonzales nang mag-post ang aktor sa kanyang Instagram account na mahirap maging masama sa isang taong hinahangaan mo.

Gumaganap si Jake na kontrabida sa seryeng The Blood Sisters na pinagbibidahan ni Erich.
   
Sa thanksgiving presscon ng ABS-CBN teleserye nung nakaraang Lunes, August 13 , inamin ni Jake na matagall na talaga siyang may crush kay Erich.
 
"Totoo naman. Naging isang challenge na na-enjoy ko naman, naging okay yung role ko as Rocco.

“Medyo kailangang sabihin sa sarili ko na huwag maging reluctant na maging masama.

“Kasi ang hirap maging masama sa crush mo."

Inulit ng aktor ang paghanga niya sa dalaga.

"Matagal na! Definitely.

"Ever since, mayroon ng attraction doon, I think first time lang ako nagkontrabida na naawa ako sa bida.

"First time ko lang naramdaman ito, pag ginagawa ko naman ito sa ibang bida, di naman ako naaawa.

"Di naman ako naawa kay Gerald, di naman ako naawa kay Coco."

Ang tinutukoy niya ay ang nagtapos na teleserye nila ni Gerald Anderson na Ikaw Lang Ang Iibigin at ang pelikula nila ni Coco Martin, Ang Panday.

Pagpapatuloy ni Jake, “Kay Erich, kaunti na lang di ko na gagawin.

"Sabi ko na lang sa sarili ko, ‘Jake, alam mo aktor ka. Kailangan mo na gawin iyan na walang bahid pag-aalinlangan. Huwag mong i-judge ang character mo at gawin mo na lang.’

"ung tinanggal nila yung love part sa kuwento, ako yung nanghinayang."

SPECIAL REQUEST

Ikinuwento pa ni Jake ang special request niya kay Cory Vidanes, ang chief operating officer of broadcast ng ABS-CBN, na hangad niyang makatrabaho si Erich.

"Naalala ko nung nag-ganito din tayo, nung Ikaw Lang Ang Iibigin, nandun si Tita Cory.

"Then humirit ako, 'Tita Cory, bakit di ninyo ako ipasok sa The Blood Sisters?' Humihirit na ako nang ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Higit daw sa pisikal na ganda ng aktres.

Dugtong niya, "Nakaka-turn on din sa akin yung talentadong tao, passionate na tao.
  
"I always wanted to work with her… nakita ko ang Siargao. Wow! Seksi siya, bukod dun magaling na artista.

"She's special, I think what she shows in the show is remarkable, yung three roles…

"Na-appreciate ko yung ginagawa niya for the show, yung patience na binibigay niya.

"Teleserye, di madaling gawin, it is so much harder than a movie, and then three roles!"

Siniguro rin ni Jake na sa ngayon ay wala siyang girlfriend, pero hindi lang niya alam kung wala ring boyfriend si Erich.
  
"Girlfriend? Wala ako. Wala ba? Di ko alam, di ko alam kung may boyfriend ba siya o wala, hindi ko pa natatanong… Nahihiya ako."

TOO BUSY TO DATE

Sabi pa ni Jake, ”I’m not gonna lie, obviously nakikipag-date ako.

"Pero wala ako sa sitwasyon na mangako sa isang tao kaya ko nang mag-commit…ang dami ko ring ginagawa.

"I am producing my second film after Requited, it is about story of stuntman in the Philippines.

"I got Don-don Santos as my director, and I am also working close with Ferdie Lapuz and Eduardo Roy.

"As much as I want direct it myself, I have to very honest and just choose the best director."

Aalukin ba niya si Erich na maging parte ng ipo-produce na movie?
  
"I wish I could, sana one day, pero ito naman kasing movie na ginagawa namin, very male centric naman, pero delicate din yung kuwento.”

Dahil gumaganap siya bilang kontrabida, hindi ba natatakot si Jake na ma-typecast ?

"My mission, my point  that I always try to make as an actor is that if you're good enough then you don't get typecast for one role.

"Bida ako sa next soap ko, lead na ako sa next show ko so abangan ng tao yun. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero if you're gonna ask me right now, what I enjoy more doing, I enjoy more doing a kontrabida role, it's more fun.

"For me, it's closer to being a real person in real life kasi minsan sa napapanood natin it's too good to be true.

"Now that they gave me a role na lead naman, I'm thankful, I accept it wirh open arms… It's a sexy drama."

Sa pagtatapos ng The Blood Sisters, nagpapasalamat si Jake na naging bahagi siya ng show kahit pinasok ang character niya sa halos kalagitnaan na ng show.
  
"Masaya, okay naman ako sa role na binigay nila kahit sa gitna ako nilagay, natuwa ako sa reaksiyon ng mga tao sa akin.

"Happy naman ako and very thankful."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN