Have Prince Stefan and boyfriend Paolo Amores called it quits?

Have Prince Stefan (right) and boyfriend Paolo Amores (left) called it quits? The couple's followers have noticed that it has been a while since Prince posted photos with Paolo on his social media accounts, and vice versa.


Hiwalay na nga ba si Prince Stefan sa kanyang boyfriend na si Paolo Amores?

Ito ang napansin ng maraming followers ng dalawa sa Instagram dahil walang bagong photos na magkasama sila.

Nag-out ang aktor at StarStruck 4 runner-up na si Prince noong 2016 pagkatapos nitong aminin ang relasyon sa Singapore-based model na si Paolo.

Inaabangan ng marami nilang followers sa social media ang kanilang dating, workout at travel pics.

Ikinakatuwa ng followers nina Prince at Paolo ang pagiging sweet nila, at wala silang pakialam sa sasabihin ng ibang netizens sa kanilang PDA (Public Display of Affection) on social media.

NO MORE COUPLE PICS

Pero nitong nakaraang buwan ay kapansin-pansin na wala nang pinu-post sina Prince at Paolo na photos nilang magkasama.

Puro mga solo pics na lang ang pinuo-post ni Prince nang bumiyahe ito sa mga bansang Korea at Japan.

Ang huling photo nilang dalawa sa IG feed ni Prince ay noong mag-celebrate sila ng kanilang anniversary sa Bangkok noong January 2018 na may caption na: "New Year New Beginning? a proud @whitepartybkk ambassador couple"

New Year???? New Beginning?? a proud @whitepartybkk ambassador couple????

A post shared by Prince Stefan (@iamprincestefan) on

Sa IG feed naman ni Paolo, ang naiwang photo nila ni Prince ay dated April 2018 pa na may caption na: "Lunch treat for Nanay in my last day in Manila"

Lunch treat for Nanay in my last day in Manila

A post shared by Paolo Amores (@paoloamores) on

Kahit na maraming pinu-post na photos si Paolo, puro solo na lang ito at yung iba ay kasama ang ilang mga kaibigan, pero wala sa grupo si Prince.

INTRIGUING TOPICS

Nakakaintriga lang sa ilang post ni Paolo sa IG ay ang mga topics niya para sa kanyang account sa app na Blued.

Ang Blued ay ang largest gay social network/dating app with 40 million users worldwide.

Ang mga naging topics ni Paolo sa kanyang Blued Livewire ay: "Can a relationship survive without sex?"; “When is the best time to date again after breakup?”; “Single and happy: Why you don’t need a boyfriend to complete you” at “Can you forgive your boyfriend after cheating?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan naming kunan ng comment si Prince tungkol sa isyung ito.

Pero as of Saturday, hindi pa rin siya sumasagot sa naging mensahe namin sa kanya.

Siguro, mas pinili lang munang manahimik ni Prince Stefan sa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN