Luis Manzano on rumored engagement to Jessy Mendiola: "Hindi pa!"

IMAGE @senority_jessy on Instagram

Luis Manzano clarifies to PEP.ph the rumor that he already proposed to girlfriend Jessy Mendiola. "As much as I want to, hindi pa! [smile emoji]," he says.


Hindi pa engaged sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ito ang nilinaw ng ABS-CBN TV host-actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos lumabas ang espekulasyong nag-propose na siya sa aktres.

Kamakailan kasi ay nag-post ng video sina Luis, 38, at Jessy, 25, na nagkukulitan at pinag-uusapan ang tungkol sa wedding.

Marami ring nag-excite nang mag-post si Jessy ng larawan kung saan may suot siyang diamond-studded ring.

Inakala ng ilan sa kanyang followers na engagement ring ito.



Sa pamamagitan ng direct message nitong Martes ng umaga, August 21, tinanong ng PEP.ph si Luis kung nag-propose na ba siya kay Jessy.

“As much as I want to, hindi pa! [smile emoji],” maiksi pero diretsong sagot ng aktor.

Inusisa rin namin si Luis kung ang video na ipinost ba niya, kung saan pinag-uusapan nila ni Jessy ang kasal, ay indikasyon na malapit na ang kanilang engagement o kasal.

“It’ll come! [smile emoji],” ani Luis.

Ito rin ang sinabi ni Lipa City Representative Vilma Santos-Recto, ina ni Luis, nang matanong sa napapabalitang engagement nina Luis at Jessy.

Ayon sa actress-politician, sa pagkakaalam niya ay hindi pa engaged ang dalawa at hindi raw sa kanya dapat manggaling iyon kung sakali man.

Dugtong pa ng Star for All Seasons, updated naman siya sa love life ng anak, pero ayaw niya itong pangunahan pagdating sa mga importanteng impormasyon.

“Nagsasabi naman. Pero sila naman ang magsasabi nun, hindi naman ako,” sabi ni Vilma.

 


Stories We Are Tracking

Are Luis, Jessy engaged? Vilma reacts
Are Luis, Jessy engaged? Vilma reacts


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN