Morissette Amon loses voice few minutes before Dubai concert

IMAGE Noel Orsal

Morissette Amon admits she lost her voice a few minutes before her Morissette is Made concert in Dubai started, which caused a slight delay of the show. "We felt like naniningil na po yung katawan ko sa kaka-travel ko," says Morissette, who also travelled to Canada and Australia before her concert in Dubai.


Isang hindi inaasahang pangyayari pala ang naranasan ni Morissette Amon sa kanyang Morissette is Made concert sa Dubai World Trade Center noong August 17.

Inamin ng Kapamilya singer na nagkaroon ng delay sa naturang concert dahil bigla siyang nawalan ng boses ilang sandali bago magsimula ang show.

“I was in Dubai for the Dubai-leg of Made.

"Just minutes before my opening prod, biglang nawala lang yung boses ko," sabi ni Morissette nang tanungin kung bakit tila paos nang humarap siya sa entertainment reporters sa press conference ng concert nila ni Lani Misalucha, ang A Lani Morissette, kahapon, August 21.

Patuloy pa niya, "Nag-panic po kami kasi, wala, hindi kami prepared. Kasi, hours before, I was totally fine.

"Pero we felt like... Me and my family and my management, we felt, like, naniningil na po yung katawan ko sa kaka-travel ko.

"For the past weeks, I've been traveling. I came from Canada and Australia that same couple of weeks.

"So, feeling ko noong Dubai, naniningil na siya.

"Although, hindi ko naman napi-feel na nai-stress ako, nag-e-enjoy naman po ako.

"Wala, bigla na lang pong nangyari."

Dahil dito, kinailangan daw nilang i-delay ang show para hintayin na umepekto muna ang steroid na ibinigay sa kanya.

Paglalahad ni Morissette, “I also had to take medication, so we had to delay the show.

“It took about 30 minutes before the medication worked on my voice.

“Kung hindi po ako nag-take, wala po talaga akong boses. I feel, like, walang show na mangyayari.

“I really had to take it kasi it was so bad, out of nowhere.”

Labis ang paumanhini ni Morissette sa pagpapahintay sa mga nanood ng Morissette is Made sa Dubai.

Aniya, “Ako po, parang nahihiya din talaga ako sa mga audience ko, lalo na yung mga bumiyahe pa to be able to join us.

“May mga nag-cancel pa ng plans nila para maging nandun lang noong gabing yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I owe it to them. I still had to give them a performance sa show. Nairaos naman.”

Sa huli, isang pasasalamat ang ibinigay ni Morissette sa mga sumuporta sa kanya at sa mga nakaintindi sa kanyang naging sitwasyon.

Aniya, "I really have to work around the situation.

"I was grateful that I was surrounded with so much love and prayers from everybody."


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN