Elmo Magalona on relationship with Janella Salvador: "There's nothing fake with it."

IMAGE Mark Atienza

Elmo Magalona on some people's objection to his and Janella Salvador's close relationship: "It's a learning curve din para sa amin. I don't think naman relationships are really perfect. Mas na-appreciate ko pa when we try to learn and when we try to make each other better."


Inamin ni Elmo Magalona, 24, na mas lumalim ang magandang pagtitinginan nila ni Janella Salvador, 20, dahil sa pagiging totoo nila sa isa’t isa.

Pahayag ni Elmo, “We have built a rapport that’s really close. Masaya ako what we’ve built together.

“There’s nothing fake with it. I’m happy sa kung anuman ang progress ng relationship namin.”

Sila raw yung tipong hindi itatago kapag may mga pagkakataong nagkakainisan sila.

Tulad noong Hunyo, inihayag ni Janella sa kanyang Instagram account ang pagkadismaya kay Elmo dahil hindi man lang daw siya mapagtanggol nito sa bashers.

Nabatikos kasi noon si Janella dahil hindi nalinaw ni Elmo kung bakit no-show ang dalaga sa premiere night ng Walwal, na pinagbidahang pelikula ng aktor.

Sabi ni Elmo, “It’s the good kind of relationship. We keep everything real.

“Even if, alam mo yun, we’re still not naman… It's not official yet.

“But I’m doing my best to show her na I’m always there for her.”                   

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa 80th birthday party ni Mother Lily Monteverde, na ginanap sa Crowne Plaza Hotel, Ortigas, Pasig City, noong Linggo, August 19.

RELATIONSHIP STATUS

Dalawang taon nang magka-love team sina Elmo at Janella, na may uniname na ElNella.

Sa loob ng panahong ito, aminadong nagkamabutihan ang dalawa.

Ngunit kahit bali-balitang magkarelasyon na sila, nanindigan si Elmo na hindi pa sila magkasintahan ng young actress.

Hindi pa ba niya opisyal na tinanong si Janella kung puwedeng maging girlfriend niya ito?

Sagot ni Elmo, “Tinanong ko naman. Pero it depends pa rin.

"Whenever man yung time na yun, I’ll be waiting on it."

I will kulit you 5evr

A post shared by Janella Salvador ???? (@superjanella) on

BETTER TOGETHER

May mga tao mang hindi pabor sa pagkakamabutihan nila, tanggap daw ni Elmo na bahagi ito ng anumang relasyon.

“It’s a learning curve din para sa amin. I don’t think naman relationships are really perfect.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas na-appreciate ko pa when we try to learn and when we try to make each other better.”

Buo  ba ang tiwala nila sa isa’t isa ni Janella?

Sagot ulit ni Elmo, “Yes, opo naman.

"It’s very important sa amin yung trust and yung time that we spent together kahit na may individual projects kami."

I'm ???? that she's ????

A post shared by Poquito (@elmomagalona) on


ABOUT THE AUTHOR

Follow Rachelle Siazon on Twitter: @pinkshi


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN