Jaycee Parker says Isabel Granada would have been invited to her wedding

IMAGE Noel Orsal

Jaycee Parker on relationship with husband Jericho Genaskey Aguas: "Masaya lang kami. Wala masyadong stress, walang ano… light lang."


Kung buhay pa sana ang namayapang aktres na si Isabel Granada, isa sana ito sa mga imbitadong bisita sa kasal nina Jaycee Parker at Angeles City Councilor Jericho Genaskey Aguas.

Ginanap ang kasal nina Jaycee at Jericho sa King's Royale Promenade sa San Fernando, Pampanga, noong Linggo, August 19.

"Nandito siya kung buhay pa siya… oo naman! Nandito talaga siya kung sakali.

"Friends naman kami.

"Tao lang naman ang gumagawa ng issue, e, pero okay kami nun," sabi ni Jaycee nang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling miyembro ng press matapos nitong maghanda para sa kanyang kasal.

Si Isabel ang unang asawa ni Jericho. Ikinasal ang dalawa noong 2002 at nagkaroon ng isang anak, si Hubert Aguas.

Matapos ang 12 taong pagsasama, naghiwalay ang dalawa.

Nakahanap ng bagong pag-ibig si Isabel sa katauhan ni Arnel Cowley.

Ngunit pumanaw si Isabel noong November 4, 2017 sa edad na 41.

Sina Jaycee at Jericho ay matagal na ring nagsasama, ngunit ngayong taon lang sila nagpakasal.

Ayon kay Jaycee, wala na sana silang balak magpakasal ni Jericho ngunit nag-iba ang kanilang pananaw sa buhay nang magpa-convert sila bilang Born Again Christians.

"Actually, dapat baby na lang, but since nagpa-Born Again kami and we are now Christians, sa Victory…

"Na-realize namin na hindi pala tama na magkasama yung isang babae at isang lalaki sa iisang bahay na hindi naman talaga sila kasal.

"And also, sabi nga nila sa Bible, 'Obedience becomes blessing.'

"So I'm sure na mas mabi-bless kami ni God dahil sa gagawin naming pagsunod sa Kanya."

Patuloy ng dating Viva Hot Babes member, "Plano na kasi talaga namin since nagpa-baptize kami nung June 30.

"Pero ang plan namin was next year pa so my dad can attend, kasi nasa ibang bansa yung papa ko.

"Kaso bigla niyang ginawa yung wedding so, ayun, hindi na makaka-attend yung father ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURPRISE WEDDING

Nagulat na lang daw si Jaycee nang malaman nitong nagpaplano na palang magpakasal si Jericho.

Kuwento ng 33-year-old actress, "Actually, plano ni Jericho na surprise dapat because it's our anniversary yesterday.

"So pina-plan niya mag-surprise wedding kaso hindi niya kaya mag-prepare mag-isa ng kasal.

"So habang nasa taping ako, nagte-take kami, bigla siyang nag-text.

"Sabi niya sa akin, 'May aaminin ako sa 'yo.' E, sakto, three days na akong nagtatrabaho."

Kinabahan daw nang matindi si Jaycee nang mabasa ang text na ito mula kay Jericho.

"Three days na akong hindi umuuwi. Kinabahan ako kung ano yung aaminin niya sa akin.

"Nasa fourth floor ako, pag-reply ko sa kanya ng, 'Ano yun?' Namatay ang cell phone ko. Nag-low battery ako.

"So habang nagte-take kami, buti na lang wala akong linya, tense na tense na ako nun.

"Nakatayo ako sa likod, hinihintay ko talagang mag-cut si Direk, 'tapos bababa ako.

"Pagka-cut ni Direk, bumaba ako, chinarge ko talaga yung cell phone ko.

"Biglang sinabi niya sa akin, 'Tina-try ko sanang mag-surprise wedding sa 'yo last month, kaso di ko na kaya, so tulungan mo ako sa preparation.'

"Pagkasabing-pagkasabi niya sa akin nun, wala na siyang ginawa. Ako na lang nag-prepare."

Sa fourth anniversary nila noong August 18, Sabado, ibinigay ni Jericho ang engagement ring nito para kay Jaycee.

Hindi rin daw ganun ka-romantic ang proposal ni Jericho.

Kuwento ni Jaycee, "Wala talaga, talagang, 'Magpakasal na tayo.' Ganun na lang.

"Sabi niya, 'Halika rito, may nakalimutan akong ibigay sa iyo, e.' 'Ano yun?' 'Ayan o!'

"Sabi ko sa kanya, 'Bumaba ka sa ano mo para may picture tayong ganun!'

"Wala, hindi siya bumaba. Ang sagot niya sa akin, 'Ikaw, ah, may kasal ka na, gusto mo pa bumaba ako sa tuhod ko, ah, sobra ka na.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala naman daw kaso kay Jaycee kung simple lang ang proposal ni Jericho sa kanya dahil ganito talaga ang kanilang relasyon bilang magkasintahan.

"Ever since naman, maganda yung [relationship namin]… masaya lang kami.

"Wala masyadong stress, walang ano… light lang.

"Kaya nung sinabi niyang 'Magpakasal tayo…' 'Okay…' Ganun lang!

"Kasi eventually naman, alam ko naman na gagawin din namin yun, and alam ko naman na siya talaga yung gusto kong makasama."

BABY PLANS

Sa ngayon, balak munang magpahinga ni Jaycee sa showbiz upang mag-focus sa pagbuo ng pamilya.

Hiling nitong magkaroon na sila ng anak ni Jericho.

Aniya, "Wish ko lang, sana… pero yun talaga yung wish ko. Gusto ko susunod na yun."

Isa lang muna ang nais ni Jaycee na anak.

Ayon sa 33-year-old Kapamilya actress, "Kasi may isa na kami, e, may Hubert na kami, so isa na lang masaya na ako.

"Kung makakadalawa, e, di bongga. Pero kung hindi, isa lang puwede na. Happy na ako sa isa.

"Sana ibigay ni Lord, ibinigay naman Niya lahat, e, kaya sobrang thankful ako."

Samantala, "to follow" na lang daw ang kanilang trip to Paris para sa kanilang honeymoon dahil marami pa silang trabaho na dapat asikasuhin.

"Actually, honeymoon… May isa akong friend na nagbigay ng gift for our honeymoon, pero hindi muna namin magagawa agad-agad.

"Kasi may work at saka maraming kailangang asikasuhin.

"Dapat magpa-Paris kami for our honeymoon, pero hindi namin kaya lumipad.

"Meron akong very generous friend na nagbigay ng gift, pero since hindi ko nga magagawa muna, sa susunod na lang yun," saad ni Jaycee.


ABOUT THE AUTHOR

Nikko Tuazon is a lifestyle writer with a strong interest in pop culture, fashion, beauty, and music. Connect with him on Instagram at @mrnikkotuazon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN